Book Review: Light by Rob Cham

1:46:00 AM


Pumunta ako sa Philippine Children's Book Summit noong July 21, 2015 sa Elements at Centris, Quezon Avenue, Quezon City. Bago lang akong nahilig sa children's literature. Isa akong medical student kaya wala talaga akong background on literature. Pero masasabi kong natuwa ako at nag-enjoy sa event na ito. Nalula ako sa dami nga mga librong pambata na gawa ng mga Pilipinong manunulat. Talaga nga namang umulan ng libro noong araw na iyon. Nakakamangha dahil nakita kong buhay na buhay ang industriya ng mga kwentong pambata sa Pilipinas. 

Noong parallel session na, pinili kong puntahan ang session on "Why adults should read children's book?". Nandoon sina Blooey Singson, MJ Tumamac (Xi Zug) at si Dr. Anna Katrina Gutierres (ang ganda ni Maam Kat!). Isa sa mga nagustuhan ko sa kanilang mensahe ay ang pagbibigay nila ng rekomendasyon sa mga librong pambata na dapat basahin. Kasama ang akdang "Light by Rob Cham" sa kanilang nabanggit. Lalo pa akong nagka-interes na bilhin ang libro sapagkat isa itong picture book. Ibig sabihin ay puro lamang larawan ang laman ng libro at walang mga salita. Naisip ko na napakasayang basahin nito sapagkat hindi nalilimitahan ng salita ang mambabasa. Gagana ang imahinasyon ng mamababasa kung paano niya iintindihin ang kwento.

Kaya noong tanghalian bago ako umuwi ay bumili ako ng kopya ng Light. Ang ganda ng disenyo at ng pagkakagawa. Talagang alam mong pinagbuhusan ito ng pagod at pagmamahal. Pagdating ko sa bahay ay agad ko itong binasa. Hahahaha.

Kung papansinin yung pabalat ng libro. Parang hindi swak ang pabalat sa title. Kasi parang napakadilim. Puro itim at puti lamang ang kulay. Walang kabuhay buhay at walan sigla. Ang lungkot ng kulay. 

Nagsimula ang kwento sa isang matandang karakter. Noong una hindi ko alam kung ano ang papel ni Lolo. Sa gitna ng kwento ko na nalaman na siya pala ang naghabilin sa bidang karakter na hanapin yung mga brilyante na iba iba ang kulay. Walang masyadong nabanggit tungkol kay Lolo.




Tapos nagsimula na ang kwento. May isang bata na parang nageempake ng gamit at may hawak na espada. Siya ata ang apo nung matandang karakter na nauna. Tapos iniisip ko, kaninong bungo kaya yung nasa likuran? Sa lolo niya kaya iyon? Ganun pa rin ang paligid, ang lungkot dahil itim at puti laman ang kulay ng paligid.


Naglakbay na ang bidang karakter sa isang kweba na sobrang dilim. Nahulog siya at natagpuan ang unang brilyante. Syempre hindi naman naging ganoon kadali ang paghanap nito. May iba't ibang klase ng mga halimaw na tila tagapagbantay ng mga ito ang kinalaban ng karakter. 



Hindi naman sobrang nakakatakot yung mga halimaw na kinalaban ng bida. Nagustuhan ko yung pagkakagawa ng mga halimaw. Nakakaaliw nga sila. Actually nalungkot nga ako nung namatay yung iba sa mga halimaw. Huhuhuhu


Yung tanong ko sa brilyanteng ito, may kahulugan kaya yung parang pixelated na disenyo sa paligid ng brilyante? Wala lang kasing ganoon disenyo yung iba pang apat na brilyante. Hehehehe

Matapos makuha ang unang brilyante ay may dumating na isa pang karakter. Sino kaya itong karakter na ito at bakit tinulungan niya and bidang karakter para makuha lahat ng mga brilyante. Para ngang may kamukha siyang pokemon. Hindi ko lang malaman kung sino.


Actually sa parteng ito ko palang nalaman na ang lolo pala ang naghabilin sa bidang karakter na hanapin yung mga brilyante. Noong una hindi ko malaman kung para saan pa at inilagay si lolo sa unahan.

Brainstorming. Nagplano sila kung paano nila gagawin ang paghahanap pa ng ibang mga brilyante. Mahalaga talaga ang pagpaplano para mas malaki ang pagkakataon na magtagumpay sa isang bagay.


Noong nakumpleto na nila yung mga brilyante at pinagsama sama ang mga ito. Biglang parang may sumabog. Pinakagusto ko yung larawan na ito kasi kitang-kita mo na nag-ilaw yung buong paligid. Ang galing ng pagkakagawa nito. Astig! Tapos inilabas na nila yung mga brilyante ng kweba at bumalik sila sa bahay ng bidang karakter. Syempre ang dami pa ring nangyari bago sila makalabas pero di ko na ikukwento. Kayo na lamang ang magbasa!


Pagdating nila sa bahay nila. May nag-iba. Malaking pagkakaiba. May kulay na ang mga bagay sa kanilang paligid. Hindi nalang puro itim at puti. Mas masigla na ang bahay. Kung iispin mo, ang lungkot ng buhay nila noon. Puro dilim lang. Walang kulay at walang liwanag. At nabubuhay sila sa dilim magmula pa noong panahon ng lolo ng bidang karakter. Ang tagal na panahon. Ang daming henerasyon na silang nabubuhay sa dilim. Buti na lamang at nagtagumpay yung bidang karakter na pagsama-samahin ang mga brilyante. Yehey!


Makulay na ang paligid. Ang ganda ng mga kabute. At kung ikukumpara sa dati, mayroon na ngayong mga hayop. May ibon, may kuneho, may parang bibe. Nagkaroon ng buhay ang paligid. Hindi nalang puro kadiliman. Parang nagkaroon at nagbigay ng pag-asa sa buong paligid.

Ang limang brilyante na nagbigay ng liwanag at kulay.

Akala ko tapos na kasi may pahinang nagsasabing The End. Tapos biglang may post-credits na scenes pa. Parang ibang lugar naman itong napuntahan ng bidang karakter. Bagong adventure na naman. Nakakaexcite.


May bago na namang kalaban at tagapagbantay ng brilyante. Nakakatakot na ngayon yung halimaw. Para ngang kamukha siya ni Baymax pero mas nakakatakot.


Sana ay maraming mga bata ang makabasa nitong akdang ito. Natuwa ako at nag-enjoy sa pagbasa ng Light. Kapupulutan ito ng aral, maraming aral. Na maging determinado sa buhay at huwag sumuko sa kabila ng mga pagsubok at hamon ng buhay. Dahil gaano man kadilim ang kwebang ating nilalakaran, makakaasa tayong may labasang naghihintay at may ilaw na nakatanaw. Darating din ang liwanag. Tiwala lang.

 Pagkatapos kong basahin, naisip ko kung meron bang sublime message ang kwento? Mayroon bang mas malalim na pakahulugan ang kwento? Basta ang alam ko, nagpapakita ito ng pag-asa at determinasyon na magbigay ng liwanag sa napakadilim na mundo. Bilang isang Christian, naremind ako "to be salt and light of the world". Because we live in this dark and fallen world, kelangan nating magsilbing ilaw sa mundong ito. Maraming magiging hadlang, maraming magiging pagsubok sa buhay pero sigurado tayong sa huli ay may liwanag na naghihintay. I was reminded to be Christ's ambassadors here on earth. Yun lamang po. Maraming salamat sa pagbabasa.


You Might Also Like

0 comments

Google+ Followers

Twitter Feed