Book Review: Salusalo Para Kay Kuya by Ergoe Tinio

9:01:00 AM

Babala: Iiyak kayo kapag nabasa niyo ang libro. Maghanda ng panyo para punasan ang inyong mga luha.

Literal na umulan ng libro, umulan ng tuwa at umulan ng inspirasyon kanina sa NCBD Book Fair sa Rizal Library, Ateneo De Manila University.

Bago lamang akong nahilig sa mga akdang pambata na gawa ng mga Pilipino. Ngayon lang din ako nagkaron ng pagkakataon na makapagbasa ng mga ito. Naaalala ko pa noong bata ako ay puro makakapal na encyclopedia at mga reference books lamang ang ipinapabasa sa amin. Mayroon pa nga kaming isang library ng mga librong ito. Kaya ngayon ko nilulubos ang pagbabasa ng mga children's literature. Late bloomer ika nga nila. Well, better late than never. Nakakaaliw. Napakaraming aral kong natutunan. Napakasayang magbasa! Lalo na ng librong pambata na gawa ng mga Pilipinong manunulat.



Isa sa mga nagustuhan kong libro kanina sa NCBD Book Fair ay ang Salusalo par kay Kuya. Ini-recommend lang sa akin ni Ate Jasmin ang librong ito dahil sobra daw siyang naiyak sa kwento at napakaganda raw. Nagpunta kami sa Adarna Booth at saktong naroon ang author ng libro. Kaya napabili na rin ako. Katunayan nga ay nagpakuha pa ng litrato kasama ang author. Hahahaha.

Me with Ms. Ergoe Tinio

Buti nalang at naabutan pa namin si Ms. Ergoe sa booth ng Adarna. Hahaha. Tapos nakasuot pa siya ng damit hango kay Janus Silang. Saan niya kaya nabili to? Parang gusto ko din ng ganitong shirt.

Signature with Dedication from Ms. Ergoe Tinio

Pagkauwi ng bahay ay agad kong binasa ang libro. Wala pa man ako sa kalahati ay nahinuha ko na ang kahihinatnan ng kwento. Patuloy lamang ang pag-agos ng luha mula sa aking mga mata. Sa simula ng kwento ay napakasigla. Ang saya sapag mayroong handaan para kay Kuya Lean. Pero habang itinutuoy ko ang pagbabasa ay nagbabago ang mood ng kwento. Nagkaroon ng konting pagkalungkot ngunit napalitan ito ng ngiti at saya sa dulo. Kasi natupad pa rin ang pangarap ni Kuya Lean na maging pintor. Nagustuhan ko ang paraan ng pagkakakwento. Magaling ang pagkakasulat. Madamdamin! Tiyak na maraming matututunan ang mga bata na makakabasa nito.

Actually, kung titingnan ang pabalat ng libro. Aakalain mo talagang puro kasiyahan ang laman ng kwento. Kasi napakatingkad ng kulay ng kapa ng lalaking nasa pabalat. Tapos ang saya din ng pamagat sapagkat ito ay isang salusalo. Kaya nakakabigla ang turn of events sa gitna. Nakakamangha! Ang galing! Tama ang timpla ng lungkot at saya. Mas naging makulay ang kwento dahil dito. 

Pagkatapos kong basahin ay agad akong nag Facebook status:

"Salusalo para kay Kuya. 
Maraming luha ang umagos dahil sa librong ito. Marami ang mugto ang mata matapos magbasa. Sana ay mabasa ng mga bata at tunay na kapupulutan ng aral. Mapalad akong mapabilang sa unang nagkaroon ng kopya nito. May dedikasyon at lagda pa mula sa may-akdang si Ms. Ergoe Tinio."

May mga tanong ako sa kwento.
1. Ano kaya ang sanhi ng pagkamatay ni Kuya Lean?
2. Meron kaya talagang kwento ng superhero na si Bubuy Boy? Parang masayang basahin kung meron man. Ang galing ng kapangyarihan ng kanyang luha!
3. Sino kaya ang inspirasyon ng may-akda sa paggawa ng kwentong ito? Hango kaya ito sa totoong buhay?
4. Gusto kong magkaroon ng katipunan ng mga ipininta ni Kuya Lean at malaman ang mga kwento sa likod nito. Ang galing sigurong pintor ni Kuya Lean!

Bakit dapat mabasa ng mga kabaan ang librong ito?
1. Sapagkat pumapaksa ito sa pamilya. Nagustuhan ko kung paano hinarap ng pamilya ang naging dagok sa kanilang buhay. Sa halip na magluksa ay ipinagdiwang ang buhay ng mahal sa buhay na lumisan. Ginunita ang mga masasayang alaala at kung paano naging makabuluhan ang buhay ng minamahal na pumanaw.
2. Napakagandang ipinakita rito ang kahalagahan ng mabuting relasyon sa pamilya lalo na sa magkakapatid. Natutuwa ako kung paano naging inspirasyon si Kuya Lean sa kanyang nakababatang kapatid. Walang halong inggit kung hindi paghanga.
3. Nagpapakita ito ng pag-asa. Na gaano man kahirap ang problema. Gaano man kasakit ang pagpanaw ng minamahal. Kakayanin nating makapagsimula muli. Basta sama sama ang buong pamilya.


You Might Also Like

0 comments

Google+ Followers

Twitter Feed