Ano ang mga Sintomas ng Primary Complex?

5:40:00 PM


Ano ang mga Sintomas ng Primary Complex?

Ano ang primary complex o tuberculosis?
Ang primary complex ay isang uri ng TB sa mga batang may edad 15 o pababa. Ito ay hindi nakakahawa ngunit kapag lumala ito at maging pulmonary tuberculosis ay maaari na itong maipasa sa ibang tao. Ang mga sanggol at mga bata ay may mas mataas na psoibilidad na magkaroon ng life-threatening form ng TB disease. Ang mga may edad na limang taon o pababa ang may pinakamataas na kaso ng TB. Higit 136,000 na bata ang namamatay mula sa tuberculosis kada taon.

Nakukuha ng isang bata ang TB kapag nalanghap nito ang TB bacteria papunta sa kanyang baga. Dito magpaparami ang TB bacteria at kakalat sa mga lymph nodes. Pipigilan ng immune system ng isang bata ang pagkalat ng TB. Ngunit may mga bata na mahina ang resistensya at hindi napipigilan ng kanilang katawan ang pagdami ng TB bacteria. Mas mataas ang posibilidad na lumala ang TB kapag ang bata ay 4 na taong gulang pababa.

Ano ang sintomas ng primary complex o tuberculosis?
Ang mga sintomas ng primary complex sa bata ay ubo na mahigit tatlong linggo, panghihina o palaging pakiramdam na may sakit, hindi na gaanong naglalaro, pumapayat, nilalagnat at pinagpapawisan kapag gabi. Ang pinakamadalas ng uri ng TB disease ay ang pulmonary TB. Ngunit dapat malaman na hindi lahat ng may primary complex o TB ay nagkakaroon ng sakit.

Paano malalaman kung mayroon kang primary complex o tuberculosis?
Kadalasang mahirap madiagnose ang primary complex at tuberculosis dahil hindi madalas nakikita ang mga sintomas sa mga bata. Para madiagnose ang primary complex o TB kailangang kumonsulta sa inyong doktor, magsasagawa ang doktor ng masusing history taking at physical examination ang doktor. Ilan sa mga laboratory test upang malaman kung may primary complex ay tuberculin skin testing, chest-xray at acid-fast bacilli test kung saan malalaman kung may TB bacteria sa sputum o dahak.

Paano maiiwasan ang primary complex o TB?
Isang pinakamainam na paraan ay ang pagpapabakuna ng BCG vaccine. Hindi nito 100% napipigilan ang pagkakaroon ng TB ngunit napipigilan nito ang paglala ng TB infection. Mahalaga din na malaman kung may mga kasama ang isang bata na mayroong TB upang maiwasang mahawa ang mga bata.

May mga bata na mas mataas ang risk na magkaroon ng TB lalo na ang mga batang nakatira sa isang bahay na mayroong isang miyembro na nadiagnose na smear postive TB, mga batang limang taong gulang o pababa, mga batang mayroong HIV infection at mga batang sobrang payat o may malnutrition.

You Might Also Like

13 comments

  1. -hi dok..ask q lang po bumabalik po ba ang primary complex sa bata once na ngkaron na xa?

    ReplyDelete
  2. Dok yung friend ko po 22 yrs old na sya may primary complex sya sa leeg maari po ba kame mahawa sa kanya ?

    ReplyDelete
  3. Hi dok. Bumabalik po ba ang primary pag po na gamot na ?

    ReplyDelete
  4. Yung baby ko yung ubo nya my plema dinala ko na sya a pedia sbe marami na dw plema kya niresethan kme ng gamot gumiginhawa nman pero gnun prin pablik blik yung ubo nya . Minsan pag umubo sya nsusuka na sya kaso nilulunok nya yung plem nya .

    ReplyDelete
  5. Yung baby ko yung ubo nya my plema dinala ko na sya a pedia sbe marami na dw plema kya niresethan kme ng gamot gumiginhawa nman pero gnun prin pablik blik yung ubo nya . Minsan pag umubo sya nsusuka na sya kaso nilulunok nya yung plem nya .

    ReplyDelete
  6. Kpg nilalagnat po b ng 3 days at baby 2 years old lng my posibilidad po bng mahawa sa 7 months n my TV n ksama nmin s bahay

    ReplyDelete
  7. ung lola ko po positive TB po cya maaaring mahawa po ba ung 9mOnths old ko na anak kahit may BCG VACCINE po cya pa help po

    ReplyDelete
  8. ung lola ko po positive TB po cya maaaring mahawa po ba ung 9mOnths old ko na anak kahit may BCG VACCINE po cya pa help po

    ReplyDelete
  9. Tanong ko lang po, may primary complex na po yung anak ko na 1yr. 4mos. Possible po ba na mahawaan niya ung 9yrs. Old na minsan niya lang po makasalamuha? TIA

    ReplyDelete
  10. Ano ang tamang oras ng painom ng gamot ng batang may primary complex?at kung napakain sya ilang oras bago sya pwdng paunumin

    ReplyDelete
  11. Hi doc good evening..yung panganay ko na anak doc inuubo sya sa twing gabi..pero yung ubo nya parang walang plema at ang tigas ng ubo nya doc.anu po ba ito doc?mag 1 week na sya laging ganito may gamot naman na tinitake pero hindi antibiotic.

    ReplyDelete
  12. DOC ANU SA PALAGAY NYU BAKIT IBA IMPRESSION NG PINAGKUNSULTAHAN NAMN, UNG ISANG DOCTOR SABI UNG PPD NYA POSITIVE MY PRIMARY TB DAW TAS PINA XRAY SYA IMPRESSION PNEUMONIA TAS SECOND OPINION SA IBANG DOCTOR PINABASA YUNG XRAY SABI NORMAL.

    ReplyDelete
  13. Dok kaka pa check up ko kng sknya my kulani na po sya at almost mag tatatlong bwan na sya mag ubo pero ang sipon nwwla nmn po lage kmi pbalik pablik sa clinic

    ReplyDelete

Google+ Followers

Twitter Feed