Hindi Pa Katapusan ng Mundo Kung Ikaw ay HIV+

1:37:00 AM


Mahalaga na sumailalim sa HIV testing upang malaman ang iyong HIV status. Ang maagang diagnosis ay importante upang mapigilan na mahawa pa ang ibang tao at upang agaran ding mabigyan ng gamutan ang taong may HIV. Ang antiretroviral treatment ay nakakatulong upang magkaroon ng mahaba, normal at malusog na buhay ang isang taong may HIV.

Maaaring puntahan ang website na ito: http://www.loveyourself.ph/ kung interesadong sumailalim sa HIV testing. Simple lang ang test, kukuha lamang ng dugo at matapos ang ilang oras ay maaari nang makuha ang resulta ng HIV test. Mayroong peer counselors na kakausap sa iyo upang ibigay ang resulta at tulungan ka sa kung anuman ang maging resulta ng iyong HIV testing.

You Might Also Like

0 comments

Google+ Followers

Twitter Feed