Masamang Epekto sa Kalusugan Kapag Laging Galit at 8 Anger Management Tips

1:04:00 AM


Masamang Epekto sa Kalusugan Kapag Laging Galit at 8 Anger Management Tips

Bigla ka nalang bang nagagalit kapag masikip ang traffic? Tumataas ba ang presyon mo kapag ayaw makinig ng anak mo sa iyo? Mabilis ka bang mainis at magalit? Normal naman at healthy emotion ang magalit ngunit kailangan ay makontrol ito sa positibong paraan. Ang labis na pagkagalit ay maaaring magdulot ng masama sa iyong kalusugan at sa relasyon mo sa ibang tao

Kapag lagi kang nagagalit, tumataas ang posibilidad na magkaroon ka ng sakit sa puso, stroke, humihina ang iyong immune system, lumalala ang iyong anxiety, depression at nakakaapekto ito sa iyong baga at paghinga.

Narito ang 8 anger management tips para sa ating lahat. 
  1. Mag-isip muna bago magsalita. Kapag galit ka, kung anu-ano na lang ang nasasabi mong masasama. Kapag nagagalit ka, tumigil ka muna at mag-isip ng mabuti kung tama ba ang iyong sasabihin o gagawin. 
  2. Kapag kalmado ka na at nasa matinong pag-iisip, doon mo iexpress o sabihin ang dahilan ng iyong pagkagalit. Sabihin ito ng maayos ay hindi sa nakakasakit na paraan. 
  3. Mag-ehersisyo dahil nakakabawas ito ng stress na madalas na pinagmumulan ng galit o inis. 
  4. Magpahinga ka muna. Magkaroon ng short breaks. Makakatulong ito upang mabawasan ang iyong galit. 
  5. Sa halip na ituon ang iyong pansin sa dahilan ng iyong pagkagalit, isipin kung paaano mo masosolusyunan o maaayos ang bagay na iyong ikinagagalit.
  6. Huwag magtanim ng galit. Ang pagpapatawad ay mabuting paraan upang mawala ang iyong galit. 
  7. Maaaring gawin ang mga relaxation techniques tulad ng pakikinig sa musika, pagsusulat ng journal o yoga upang marelax ka at mawala ang iyong galit. 
  8. Alamin kung kailan mo dapat humingi ng tulong kapag hindi mo na kayang kontrolin ang iyong galit at nakakasakit ka na ng ibang tao.

You Might Also Like

0 comments

Google+ Followers

Twitter Feed