Mga Posibleng Dahilan ng Iregular na Menstrual Cycle

10:53:00 AM


Mga Posibleng Dahilan ng Iregular na Menstrual Cycle

Ang normal na menstrual cycle ay nangyayari kada 22 hanggang 35 na araw. Ang normal na pagreregla ay tumatagal ng tatlo hanggang pitong araw at ang pinakamaraming dugong inilalabas ay sa unang tatlong araw. Ang normal na dami ng dugo ay 35 mL. Ang mga mayroong menorrhagia o sobrang lakas na pagreregla ay naglalabas ng halos 80 mL ng dugo kada pagreregla at kalaunan sila ay nagkakaroon ng anemia dahil sa dami ng dugong nawawala sa kanila. Karamihan ng mga babaeng nireregla ay gumagamit ng lima hanggang anim na pads o tampons kada araw. Halos 9% hanggang 30% ng mga reproductive-age women ay nakakaranas ng iregular na menstruation at kadalasan ay kinakailangan nito ng atensyong medikal. 

Kung biglang nagbago o naging iregular ang iyong menstruation, kailangan tingnan kung ikaw ay buntis. Kung ikaw ay hindi buntis, kailangan malaman ng doktor ang iyong medical history kung normal lang ba ang iyong iregular na menstruation. Kung ikaw ay may hormone-producing ovarian cysts, maaaring magdulot ito ng iregular na menstruation. Sabihin din sa iyong doktor ang mga gamot na iyong iniinom. May mga antidepressant at anti-anxiety medications na maaaring makaapekto sa menstruation ng isang babae.

Ang iyong lifestyle at ang kapaligiran ay makakaapekto din sa iyong pagreregla. Ang mataas na level ng stress ay maaaring makasira sa regular na menstruation patterns. Ang labis labis na pag-eehersisyo ay maaari ring magdulot ng panandaliang pagtigil sa menstruation. Ang labis na pagbabawas ng timbang o pagkakaroon ng eating disorders ay makakaapekto din sa menstrual cycle. Ang labis na paninigarilyo at pag-inom ng alak ay maaari ring makaapekto sa menstruation.

Titingnan din ng doktor kung mayroon ka pang ibang sakit na maaaring nagdudulot ng irregular menstruation. Ang ilang mga problema sa thyroid ay nakakaapekto sa menstruation. Ang mataas na levels ng prolactin mula sa prolactinoma, isang noncancerous na tumor sa pituitary gland ay maaaring magdulot ng irregular na mens. Ang anemia, polycystic ovarian syndrome, endometriosis, pelvic inflammatory disease at uterine fibroids ay ilan din sa mga sakit na nagdudulot ng iregular na menstruation. 

Maaari rin na nagsisimula ka nang mag-perimenopause. Ito ang panahon kung saan malapit nang magmenopause ang isang babae at nagbabago na nag regular cycles of ovulation and menstruation. Kadalasan itong nararanasan ng mga babaeng may edad 40 at pataas. Bukod sa iregular na mesntruation, maaaring ring makaranas ng hot flashes at night sweats.

You Might Also Like

8 comments

  1. Doc, ung mens q poh nung feb ay 7 ung date tapos nung march ay 1..tapos ngaung april ay 7..kelan poh kya aq fertile? kz gusto na nmi. mgka baby..nd kami mkabuo..slamat poh..

    ReplyDelete
  2. Doc, ung mens q poh nung feb ay 7 ung date tapos nung march ay 1..tapos ngaung april ay 7..kelan poh kya aq fertile? kz gusto na nmi. mgka baby..nd kami mkabuo..slamat poh..

    ReplyDelete
  3. Doc ang aking pong regla at mg two weeks na at dami ko pa ding dugo na lumalabas...nkaraang bwam po ok nmn po sya mlaks din po pero d sya tumatagal ng 1week..anu po ang ang dahilan at mtgal namn na po na wlang gumagamit sa akin...at lagi nmn po dmadatinf ang regla ko pero this time po ng ttaka ako bkit mtgal po sya matapos..pls help me po

    ReplyDelete
  4. Dok un akin po last ko agust 30 un buwan ng regla ko tpos un sep hanggang ngaun di pa po ako dinadatnan

    ReplyDelete
  5. Doc nag mens po ako ngayon oct.12 po nagsimula tapos nagulat po ako kasi dapat 6-7 days po ang regular ng dalaw ko ngayon po 4 days lng po patak na lng po nung 15.pero nung last ko po after ng mens ko nagsex po kmi ng husband ko 2days 4x po then nung fertile day ko po we had sex po ulit 2night and 3 days po 6x po kmi nag sex

    ReplyDelete
  6. normal po ba na ang isang menstrual cycle ay mabago? Kasi nung june po katapusan po ako nagkaroon tapos nung august po hanggang ngayon laging first week na po ako nagkakaroon. Normal po ba yon?

    ReplyDelete
  7. Doc ang sakin nman po..simula po nong tumigil ako ominom ng pills.kasi po mag abroad na po ako..don na po naging irrigular ang meanstration ko.every 2months kung dumating..ano po ang dapat kung gawin

    ReplyDelete
  8. Doc. Ask ko lang po if normal po ba ung ganito.. this november 9 dinatnan ako hanggang 14 then nag stop na ako pero dinatnan ulit ako nong nov. 23 ....first time p0 kc mangyari to kaya worried ako ..thank u.

    ReplyDelete

Google+ Followers

Twitter Feed