Paano Nakakatulong ang Folic Acid sa Heavy Menstrual Bleeding o Malakas na Regla?

5:57:00 AM


Paano Nakakatulong ang Folic Acid sa Heavy Menstrual Bleeding o Malakas na Regla?

May mga nagtatanong na mga kababaihan na nabasa daw nila na nakakatulong ang pag-inom ng folic acid supplements sa malakas na regla. Ang folic acid ay hindi gamot upang tumigil ang sobrang lakas na regla. Ang problema sa malakas na regla ay ang posibilidad na magkaroon ng anemia - isang kondisyon kung saan nagkukulang ang red blood cells na nagdadala ng oxygen at nutrients sa tissues ng katawan.

May iba-ibang klase ng anemia, isa dito ay may kinalaman sa vitamin deficiencies. Ang pinakamadalas na anemia ng mga may malalakas na regla ay iron deficiency anemia. Dahil sa malakas na regla, maraming dugo ang nawawala sa katawan ng isang babae at nagdudulot ito ng pagkaubos ng iron stores sa katawan.

Kumonsulta sa inyong doktor upang malaman kung mayroon kayong anemia dahil sa malakas na regla. Maaaring ipagawa ng doktor ang isang blood test upang malaman ang lebel ng iron sa iyong katawan. Maaaring payuhan din ang pasyente na uminom ng iron supplement upang mapalitan ang nawalang iron sa katawan. Maaaring ipayo din ang pag-inom ng vitamins na may folic acid, vitamin C, vitamin B12 at iba pang vitamins na makakatulong upang bumalik ang dami ng red blood cells sa katawan.

Ang kadalasang dahilan ng sobrang lakas na regla ay hormonal imbalance at uterine fibroids. Kung mayroon kang malakas na regla, kumonsulta sa iyong doktor upang magabayan ka at matulungan na huwag magkaroon ng anemia.

You Might Also Like

0 comments

Google+ Followers

Twitter Feed