Pag-Inom ng Kape, Nakakatulong Maiwasan ang Liver Damage

6:54:00 AM


Kung ikaw ay mahilig uminom ng kape, dapat mong malaman na ang pag-inom ng dalawa o higit pang baso ng kape kada araw ay nakakatulong na pababain ang risk ng pagkakaroon ng liver damage na maaaring makuha mula sa labis na pag-inom ng alak.

Ayon sa apat na studies na may kalahok na 430,000 na tao, napag-alaman na ang pag-inom ng dalawang baso ng kape kada araw ay nagbibigay ng 44% reduced risk ng pagkakaroon ng liver cirrhosis o pagkasira ng atay. Ang liver cirrhosis ay resulta ng labis na pag-inom ng alak, pag-inom ng gamot o pagkakaroon ng hepatitis.

Hindi pa alam kung ano ang nagdudulot ng protective factor na ito ng kape. Ang alam lamang ay mayaman sa phytochemicals ang kape na may antioxidant at antiinflammatory properties. Nakakatulong ang kape na pigilan ang pagkasira ng atay ngunit mahalaga pa rin na itigil ang pag-inom ng alak upang hindi na lumala ang sira sa atay.

Siguruhin na hindi maglalagay ng maraming gatas o asukal sa kape dahil nakakababa ito ng health benefits ng kape.

You Might Also Like

0 comments

Google+ Followers

Twitter Feed