Hindi Sapat na Oras ng Pagtulog, Nagdudulot ng Pagtaba!

4:57:00 AM


Hindi Sapat na Oras ng Pagtulog, Nagdudulot ng Pagtaba!

Ang mga bagong pag-aaral ay nakakitaan ng association ang haba ng tulog at ang pagdagdag ng timbang ng isag tao. Ang patulog ng kulang sa limang oras o sobra sa siyam na oras kada araw ay nagududulot ng mataas na posibilidad ng pagtaba.

Sa isang pag-aaral, ang mga lalake na paulit-ulit na hindi natutulog o hindi sapat ang oras ng tulog ay mas gustong kumain ng mga high calorie foods at tumataas din ang kanilang overall calorie intake. Sa isa pang pag-aaral ang mga babaeng natutulog ng kulang sa anim na oras kada gabi o higit sa siyam na oras at nagkakaroon ng dagdag ng 11 pounds o limang kilo sa timbang kumpara sa mga babaeng nakakatulog ng tama sa oras (7 oras). Ganito rin ang nakita pattern sa mga bata at matatanda na kapag nagpupuyat at kulang sa oras ng pagtulog ay mas bumibigat ang timbang.

Isang paliwanag dito ay dahil sa ang pagtulog ay nakakaapekto sa mga hormones na kumokontrol sa pagkagutom ng isang tao (ghrelin at leptin) at kapag naapektuhan ito ay maaaring magdulot ng pagtaas ng gana sa pagkain (increased appetite). Ang kakulangan sa tulog ay nagdudulot din ng pagkapagod at mas kaunting physical activity at ehersisyo.

Mayroon ka nang dahilan para matulog ng maaga at matulog ng walong oras kada araw.

You Might Also Like

0 comments

Google+ Followers

Twitter Feed