Monounsaturated Fatty Acids sa Pagkain Nakakatulong Makaiwas sa Sakit sa Puso

4:56:00 AM


Monounsaturated Fatty Acids sa Pagkain Nakakatulong Makaiwas sa Sakit sa Puso

Ang monounsaturated fatty acids isang healthy type ng fat. Maganda itong kainin kaysa sa saturated at trans fat na nakakasama sa ating katawan. Maraming benepisyo ang mga unsaturated fats sa ating katawan. Nakakatulong itong mapababa ang risk ng pagkakaroon ng sakit sa puso. Nakakapagpababa ito ng total cholesterol and low-density lipoprotein (LDL) levels sa ating katawan. Nakakatulong din ito upang maging normal ang good cholesterol na high-density lipoprotein (HDL) level sa ating katawan.

Nakakatulong din ang mga MUFA na maging maayos ang pagdaloy ng dugo sa iyong mga ugat. May mga pag-aaral din na nagpakita ng benepisyo sa insulin level at blood sugar control ng MUFA. Nakakatulong ito sa mga taong may type 2 diabetes.

Ang MUFA ay malaking bahagi ng heart healthy na Mediterranean diet. Ang mga pagkain na mayaman sa MUFA ay ang olive oil, mani tulad ng almonds, kasoy, pecan at macadamia, canola oil, abokado, peanut butter, olives at peanut oil. Ngunit huwag kumain ng sobrang dami ng mga pagkain na ito, kailangan ay kontrolado pa rin. Mataas ito sa calories kaya dapat ay in moderation ang pagkain. Kumain ng MUFA-rich na pagkain kaysa sa ibang matatabang pagkain.

You Might Also Like

0 comments

Google+ Followers

Twitter Feed