Paano Kumuha ng PWD ID at Ano ang mga Benepisyo Nito?

7:08:00 PM


Alamin Kung Paano Kumuha ng Persons With Disabilities (PWD) ID at ang mga Benepisyo ng PWDs.

Alam mo ba na mayroon na tayong Magna Carta for Disabled Persons sa Pilipinas. Sa pamamagitan ng Republic Act 7277, ang mga Persons with Disabilities (PWD) ay kabilang sa ating komunidad at mabibigyan sila ng suporta at pantay na karapatan katulad ng ibang tao na walang disabilities. Kung ikaw ay isang PWD o mayroong kaibigan o kamag-anak na PWD, ipagbigay alam na mayroon nan mga privileges at incentives ang gobyerno para sa PWD. Kailangan lamang na mag-apply upang makakuha ng PWD ID.

Mga Benepisyo ng PWDAyon pa sa Republic Act 10754 na nilagdaan ni President Benigno Aquino III, ang mga PWDs ay exempted na sa pagbabaya ng valued added tax (VAT) sa mga sumusunod:
  1. byahe sa lupa, himpapawid at karagatan
  2. bayad sa mga serbisyong medikal at dental kasama na ang mga diagnostic at laboratory fees
  3. professional fees sa mga doktor sa pampubliko at pribadong hospital
  4. gamot
  5. funeral at burial services
  6. bayad sa hotel, restaurant, recreation centers tulad ng sinehan, theater, concert halls at iba pa.

Bukod pa dito ay makakakuha din gn educational assistance at scholarship grants ang mga PWD. Mayroon ding privileges sa mga express lanes. Mayroon ding incentives sa mga caregivers ng mga PWDs.

Para makakuha ng PWD ID, maaaring bisitahin ang http://www.gov.ph/services/pwd/ upang malaman ang mga hakbang.

Requirement:
  1. Kumuha ng application form mula sa Office of the Mayor, Office of the Barangay Chairman, National Council of Disability Affairs o mga DSWD Offices
  2. Dalawang 1×1 ID pictures.
  3. A duly signed clinical abstract by any licensed private, government clinic, or hospital-based physician.

Procedures: 
  1. Magfill-out ng application form at ilagay ang dalawang 1x1 pictures at iyong clinical abstract.
  2. Dalhin o iupload ang application form sa pinakamalapit na city o municipal health officer for verification. Kung ang PWD ay hindi ambulatory, ang health officer ay kailangang magsagawa ng home visit upang malaman kung totoong may disability ang aplikante. 
  3. Kapag natapos na ang verification, ipapadala ng municipal health officer ang application sa Philippine Registry for Persons with Disabilities at maaaring madownload ng PWD itong certified form mula sa DOH National Office Website. 
  4. Dalhin ang approved application form at certificate of disability sa city o municipal social welfare office or NCDA para makuha ang iyong identification card for PWD.

You Might Also Like

0 comments

Google+ Followers

Twitter Feed