Stop Gun Violence! Wakasan ang Pagpatay ng mga Inosente Gamit ang Baril!

7:38:00 PM


Stop Gun Violence! Wakasan ang Pagpatay ng mga Inosente Gamit ang Baril!

Ang gun violence ay nakakaapekto sa komunidad sa maraming paraan. Napakaraming inosenteng buhay ang nadadamay dahil sa gun violence. Ang mga taong nagiging biktima ng gun violence ay nagkakaroon ng napakataas na bayarin sa hospital, nababawasan din ang kalidad ng buhay sa komunidad dahil sa takot na baka maging biktima ng gun violence. Tumataas ang kaso ng mga gun-related injuries sa bansa lalo na sa Amerika. Ngayon ay nabalitaan natin ang pagkamatay ng singer na si Christina Grimmie matapos siyang barilin ng isang di kilalang tao sa kanyang concert. Patuloy na nananaliksik ang mga psychologists at public health scientists upang magkaroon ng epektibong paraan upang mabawasan ang gun violence.

Paraan Para Maiwasan ang Gun Violence
  1. Kailangan ng tamang implementasyon ng mga batas sa paghawak ng baril, magkaroon ng background checks sa mga pagbili ng baril. 
  2. Kailangan magsagawa ng pag-aaral ukol sa sanhi ng gun violence at kung paano ito masosolusyunan. Kailangan din ng mga pag-aaral upang makapagsagawa ng mas malakas at epektibong firearm laws.
  3. Kailangan ng mas pinaigting na mental health services sa pamamagitan ng pagkakaroon ng screening at tulong pinansyal sa mga may mental health illness upang mas marami ang kumonsulta at humingi ng tulong medikal. 
  4. Kailangang makilahok ang media tulad ng telebisyon, social media, peryodiko at iba pa sa pagpapalaganap ng violence-free na mga programa. Iwasan din ang mga bayolenteng scenes dahil nakakaimpluwensiya ito lalo na sa mga bata.
  5. Alamin kung saan makakahingi ng tulong kung ikaw ay may emotional crisis.
  6. Alamin ang tamang pagtatago at paggamit ng baril upang maiwasan ang impulsive gun violence at accidents
  7. Kung nakakakitaan ng signs of violence, ipagbigay alam agad sa magulang nito o sa mas nakakatanda upang mabigyan ng tulong magabayan ang bata.

Narito ang ilang mga senyales ng violence. Napakaiksi ng pasensya, mabilis magalit, laging nakikipag-away, laging umiinom ng alak o naninigarilyo o gumagamit ng droga, hindi pumapasok o laging bagsak sa klase, may episodes ng major mental illness, nagbabalak na magpakamatay o manakit ng ibang tao at mayroong deadly weapons tulad ng kutsilyo o baril.

Kailangan mag-ingat sa mga taong nakakitaan ng signs of violence. Iwasan na maiwan sa lugar kayong dalawa lamang ang tao. Kung kaya na kalmahin o alisin ang mga bagay na nagdudulot ng galit sa taong iyon, gawin ito. Sabihin ang nakitang signs of violence sa isang taong iyong pinagkakatiwalaan at alam mong makakatulong tulad ng kamag-anak, guidance counselor, teacher, psychologist, coach, clergy o kaibigan. Kung ikaw ay nababahala sa iyong buhay, humingi ng tulong sa atworidad upang ikaw ay maproteksyunan.

You Might Also Like

0 comments

Google+ Followers

Twitter Feed