Hinay-hinay lang sa Pagkain ng Tinapay!

4:18:00 AM


Hinay-hinay lang sa Pagkain ng Tinapay! 

Alam mo ba kung gaano karaming sodium ang mayroon sa isang slice ng tinapay (wheat bread)? Naglalaro sa 80mg hanggang 230mg ang sodium content ng isang piraso ng tinapay.

Ang tinapay ang pangunahing source ng salt/sodium sa diet ng mga Amerikano. Ayon sa Centers for Disease Control, ang recommended na sodium intake ng isang tao kada araw ay 2300mg kapag bata pa at 1500mg kapag edad 51 taon at pataas. Ang pagkain ng sobrang asin o sodium ay nagdudulot ng mataas na risk para sa high blood pressure na maaring mauwi sa sakit sa puso at stroke.

Ugaliing magbasa ng nutrition labels sa mga pagkain na iyong kinakain. Mas piliin ang mga pagkain na mababa ang sodium. Sa susunod na pagbili mo ng tinapay, hanapin ang mga tinapay na mababa sa sodium upang maiwasan ang high blood pressure at mga komplikasyon nito.

You Might Also Like

0 comments

Google+ Followers

Twitter Feed