Mga Simpleng Paraan Upang Maiwasan ang Constipation

12:36:00 AM



Mga Simpleng Paraan Upang Maiwasan ang Constipation

Nakakaranas ka ng constipation kung ang iyong pagdumi ay dalawa o mas mababa pa kada linggo. Nakakaranas din ng hirap sa pagdumi, pakiramdam na hindi lubusang nailalabas ang iyong dumi, matigas na dumi o butil-butil na dumi. Narito ang mga simpleng paraan upang maiwasan o masolusyunan ang constipation:
  1. Subukang magehersisyo o maglakad araw-araw. 
  2. Uminom ng sapat na tubig araw-araw. Uminom ng walo hanggang sampung baso ng tubig o noncaffeinated na inumin kada araw. Iwasan ang alak at caffeinated na inumin dahil nakakadehydrate ito. Kung ikaw ay mayroong heart failure o kidney failure, kumonsulta muna sa inyong doktor upang malaman ang tamang dami ng tubig para sa iyo.
  3. Kumain ng prutas, gulad at fiber sa iyong diet kada araw. Kumain ng 1.5 to 2 cups ng prutas at 2 to 3 cups ng gulay kada araw.
  4. Magkaroon ng schedule ng iyong pagdumi kada araw. Ang pagkakaroon ng daily routine para sa pagdumi ay makakatulong upang maiwasan ang constipation. Huwag madaliin ang pagdumi.
  5. Mas maganda ang "squatting" position upang mas madali ang pagdumi. Kung hindi sanay sa ganitong posisyon ay maglagay small step stool sa paanan habang nakaupo sa toilet bowl.
  6. Kung hindi pa rin nawawala ang iyong constipation, maaaring gumamit ng laxatives ngunit mainam na kumonsulta muna sa doktor. Huwag ding gagamiting ng sobra sa dalawang linggo ang laxatives. At siguruhin na uminom ng maraming tubig kapag umiinom ng laxatives.

You Might Also Like

0 comments

Google+ Followers

Twitter Feed