Mga Tirang Pagkain, Wag Paabutin ng Higit sa Apat na Araw sa Ref!

8:04:00 AM


Mga Tirang Pagkain, Wag Paabutin ng Higit sa Apat na Araw sa Ref!

Ang mga tirang pagkain ay maaari lamang iimbak sa refrigerator sa loob ng tatlo hanggang apat na araw. Siguraduhin na kainin ang mga ito agad at huwag paabutin ng matagal sa ref. Matapos ang apat na araw na nakalagay sa ref, mas mataas na ang posibilidad ng food poisoning kapag kinain ito. Kung alam mong hindi mo makakain ang iyong tirang pagkain sa loob ng apat na araw, ilagay ito agad sa freezer upang mas tumagal ang shelf life nito.

Ang food poisoning ay nakukuha mula sa mga bacteria sa kontaminadong pagkain. Madalas ay hindi pansin ang pagbabago sa lasa, amoy o hitsura ng pagkain kapag kontaminado ito ng bacteria kaya delikadong kainin ang mga pagkain na matagal na nakalagay lang sa ref. Mas mabuting itapon na ito kung hindi ka sigurado kung panis na o hindi.

Madaling maiiwasan ang mga kaso ng food poisoning basta tama ang iyong food handling. Agad ilagay sa ref ang mga madaling masira na pagkain tulad ng karne, manok, isda, dairy at itlog. Huwag silang hayaan na nasa labas lang ng higit sa isang oras at 32 degrees Celsius dahil maaaring mapanis ang mga ito.

Ang mga hindi inilulutong pagkain tulad ng salad o sanwiches ay kailangang kainin agad o ilagay agad sa ref kapag hindi kakainin. Mabilis itong makontamina ng mga bacteria. Kapag kakainin mo na ang mga tirang pagkain na nakaimbak sa ref, initin ang mga ito sa kalan, oven o microwave hanggang 74 degrees Celsius.

You Might Also Like

0 comments

Google+ Followers

Twitter Feed