Paano Gagamutin ang Mga Kati Mula sa Higad Attack

5:43:00 AM


Paano Gagamutin ang Mga Kati Mula sa Higad Attack

Ang caterpillar o higad ay larvae o immature form ng mga paruparo at moths. May iba't ibang klase ng mga higad. Para silang mga uod na nababalot ng napakaraming maliliit na buhok. May mga harmless na higad ngunit mayroon namang nagdudulot ng allergic reactions o pangangati sa mata, balat at baga kapag nadikit ang isang tao sa buhok ng higa. Madalas makikita ang mga higad sa mga puno at kadalasang nabibiktima ang mga batang naglalaro sa ilalim ng puno o umaakyat sa mga puno.

Ano ang Sintomas Kapag Nadikitan ng Higad?
Kapag nadikit sa higad ang mga mata, agad na makakaranas ng sakit, pamumula at pagluluha. Kapag naman nakakain ng higad, maaaring makaranas ng paglalaway, pangangati ng bibig at lalamuna at pagsusuka. Kapag naman ang daanan ng hangin ang napasukan ng higad o ng buhok nito, maaaring makaranas ng pag-ubo, pamamaga ng ilong, hirap sa paghinga at pagbahing. Kapag naman sa balat ang nadikit sa higad, maaaring makaranas ng pangangati, rashes, pamumula at pagkakaroon ng blisters sa balat.

Ano ang Dapat Gawin Kapag Nadikitan ng Higad?
Kapag nadikit sa higad, ang dapat gawin ay matanggal ang mga buhok ng higad sa iyong balat dahil ito ang nagdudulot ng allergic reactions. Maaaring magdikit ng tape sa balat na nadikitan ng higad at tanggal-tanggalin ang tape. Sa pamamagitan nito ay maaalis ang mga natirang buhok ng higad sa iyong balat. Maaaring maglagay ng calamine lotion sa iyong balat at pagkatapos ay lagyan ng yelo. Ibalot ang yelo gamit ang tela at ipatong sa apektadong bahagi ng katawan sa loob ng sampung minuto. Ulitin ang prosesong ito. May mga nagsasabi din na maaaring kumuha ng asin at ipahid ito sa balat na apektado ng higad sa loob ng limang minuto. Makakatulong din ito upang mawala ang mga natirang buhok ng higad. Pagkatapos ay pahiran ito ng virgin coconut oil.

Kung ang iyong mata ang nadikitan ng higad, hugasan ito ng maraming malinis na tubig at humingi ang tulong na medikal. Gayundin kung nahihirapang huminga dahil sa paglanghap ng buhok ng higad, dalhin agad sa hospital upang mabigyan ng lunas.

You Might Also Like

31 comments

  1. Masama po bang may natirang buhok ng higad? Nakaapak po kasi ako. Mag 3 days na po siya. Hindi na po kayang alisin ng tweezers pero hindi na po siya namumula.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mas maganda po na matanggal lahat ng buhok para mawala ang kati mula sa higad. Mawawala din naman po iyan ng kusa sakaling hindi na talaga maalis ng tweezers

      Delete
    2. Pano po maalis ung mga natirang buhok ng higad, kasi po dinapo sya kaya ng tape e maliliit po ung naiwan sa kamay ko. Pano poba maalis un? Maliliit na buhok na naiwan sa kamay ko.

      Delete
  2. Gaano po katagal matanggal yung kati kati sa may palad kapag nalagyan nang kati kati

    ReplyDelete
  3. Gaano po katagal matanggal yung kati kati sa may palad kapag nalagyan nang kati kati

    ReplyDelete
  4. Pano po kapag hindi aware na kailangan pala matanggal yung hairs nun, kasi hindi ko din po alam e. One day ago na po ngayon kumakalat na yung pantal sa katawan ko huhu pano po yun?

    ReplyDelete
  5. Ano po ang dapat gawin kasi po may mga dot dot mga tuldok kung saan tumusok yung mga balahibo natanggal ko naman na po yung iba kaso pakiramdam ko po meron pa pong natirira eh ilang araw na po ito nakakalipas mga 5 days napo nakakalipas

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nasubukan niyo na po ang paggamit ng tape para tanggalin ang mga hairs? Nasa taas po ang mga pwedeng gawin.

      Delete
  6. gaano katagal bago tuluyang mwala ang pantal mula sa higad? nung una nagpantal ako at namula ito. habang tumatagal nawawala n yung butlig pero paitim ng paitim yung pantal. hindi ko naman kinakamot at nilalagyan ko lang ng caladryl. magpipeklat kaya ito? huhu

    ReplyDelete
  7. normal po ba na mangati at mamaga ang mga pantal sa affected areas? i washed my leg and hand with soap and water then treated it with vinegar and calamine lotion yesterday morning and it relieved the pain and it looked better by the afternoon. but last night, bigla na naman nangati so i treated it with soap and water and calamine lotion again. But the itchiness disnt go away until this morning, super pantal at namamaga na affected areas - leg and hand. what to do? is this normal?

    ReplyDelete
  8. Bakit po sabi nung iba, pwede ang suka?

    ReplyDelete
  9. Tatlong araw na pong nangangati likod ko dahil sa higad. Pinahiran ko na ng apple cider nung unang araw nakaligo nko ilang beses makati pa rin at may mga pantal pantal pa rn dok.

    ReplyDelete
  10. Panu po kung buong katawan ang nalagyan ng buhok ng higad?

    ReplyDelete
  11. GdDay po, paano po pag nasubo ni baby un higad? nkakalason po ba un? sobrang worried po me kasi panay kamot ni baby sa mukha tas iyak ng iyak? ano po ba dapat gawin?

    ReplyDelete
  12. Nahigad ako kahapon tapos dumami ang pantal sa katawan ko, pati ulo ko nangangati na di na din ako makahinga nagpadala na ako sa hospital grabe pala to dati naman nung 1st kong mahigad hindi ganito . Hahaha

    ReplyDelete
  13. yung sa anak ko 1 week na until now pabalik balik pa rin yung pantal nya,ano kaya best na gamot para gumaling na? sinubukan na namin suka,asin tape saka anti histamine mawawala sya tas bumabalik ulit ������

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nsubukan kong gumamit ng kojic soap kasabay ang baking soda sa apektadong bahagi ng balat na ndikitan ng higad. Hayaan sa balat ng mga 10 minutes at pagkatapos banlawan ng mabuti. Pagkatapos banlawan ay patuyuing mabuti at lagyan ng San Sierra herbal oil at Sudocreme. Ilang minuto lang ay mapapawi ang kati at maga ng apektadong bahagi ng balat.

      Delete
  14. Nadikitan yata ako ng higad sobrang daming pantal kumpol kumpol sobrang kati!balikat hita tiyan leeg likod batok sobrang kati ! Effective po ba yan?kasi sobrang kati talaga

    ReplyDelete
  15. Pweyd bang ipahid ang yelo at sukasuka.pls reply me

    ReplyDelete
  16. Madalas akong madikitan ng higad noong bata pako at ang mabisa kong ginagamot sa sarili ko ay ung suka dapat tanggalin mo muna ung mga balahibo nia make sure na walang maiwan kasi kumakalat unh saka mo buhusan ng suka

    ReplyDelete
  17. Ano po b ang dpat gwin kc po ung papa q sav Nya nhigad dw xa pero nmamaga po ung muka nya

    ReplyDelete
  18. dok 3 araw na po kasi itong aking pangangati na dulot ng higad paano po ba ito maaalis ?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wag mo nalang katihin.. Hayaan mo nalang.. Dumadami kasi yan kapag nginangati mo yan..

      Delete
  19. Dok may mga bumaon na balahibo ng higad sa palad at darili ko ngayon namamaga na siya may mga gamot po ba na pwde akong ipahid or inumin para mawala ung pamamaga at pangangati..thanks and advance

    ReplyDelete
  20. Dok pano po ito bumaon na ung balahibo sa daliri ng anak ko namamaga at nangangati na po xa two days na po ngaun. Ano po dapat gawin ko?

    ReplyDelete
  21. Pwedeo bang maligo ang taong nahigad?

    ReplyDelete
  22. Buong katawan ko po makati pero wlang tumubong pantal sobrang kati po talaga nsmamsga na ung balat ko kakakamot 3days na po anu po ba gamot

    ReplyDelete
    Replies
    1. good day, tested and proven po, pag nahigad ka po at kumalat na sa buong katawan, ipaligo mo po ung suka babad mo 10-15mins then banlawan mo na po, tapos mg sabon ka na

      Delete
  23. good day, tested and proven po, pag nahigad ka po at kumalat na sa buong katawan, ipaligo mo po ung suka babad mo 10-15mins then banlawan mo na po, tapos mg sabon ka na

    ReplyDelete
  24. Share ko lang po ang experience ko dahil alam kong makakatulong ito sa mga nagtatanong, dahil po ang bahay namin ay napapalibutan ng malalaking acasia madalas po akong nahihigad lalo kapag panahon nila.. Marami napo akong nasubukang gawin suka daw o asin pero di po umubra sakin, ang ginagawa kopo ay naliligo po ako kaagad upang matanggal ang balahibo ng higad at pagkatapos maligo ay pinapahiran ko po ng langis, natatanggal po ang kati pag pinahiran ng langis nakakatulong po tlga ang langis upang di na mangati.

    ReplyDelete

Google+ Followers

Twitter Feed