Simple Steps Para Maiwasan ang Body Odor o Putok

8:16:00 PM


Simple Steps Para Maiwasan ang Body Odor o Putok

Naranasan mo na ba na magkaroon ng body odor? Inamoy mo na ba ang sarili mo kung ikaw ang nangangamoyna mabaho? Pwede itong mangyari sa iyo ngunit maaari naman itong maiwasan. Narito ang anim na simpleng paraan para maiwasan ang body odor:
  1. Panatilihing malinis ang iyong katawan sa pamamagitan ng paliligo kahit isang beses sa isang araw. Makakatulong ito upang maalis ang mga pawis at bacteria na nasa iyong balat. Ang mga bacteria ay maaaring dumami kapag nahalo sa iyong pawis at nagdudulot ito ng body odor. 
  2. Gumamit ng antibacterial na sabon sa iyong paliligo upang mabawasan ang bacteria sa iyong balat at maiwasan ang body odor. 
  3. Punasan at tuyuin na mabuti ang iyong balat pagkatapos maligo. Kapag tuyo ang iyong balat, mas mahirap para sa mga bacteria na dumami sa iyong balat. 
  4. Gumamit ng Deodorant o Antiperspirant sa iyong kilikili. Ang mga deodorants ay hindi nakakabawas ng pagpapawis ngunit inaalis nito ang mabahong amoy na dulot ng bacteria sa iyong balat. Ang antiperspirants naman ay mayroong aluminum chloride na nakakabawas ng pagpapawis. Maglagay ng deodorant o antiperspirant dalawang beses sa isang araw, isa sa umaga at isa sa gabi. 
  5. Kung ikaw ay mabilis pagpawisan, magpalit agad ng damit. Ang malinis na damit ay nakakatulong makaiwas sa body odor. Siguruhin din ng magpalit ng medyas lalo na kung madalas kang nagkakaroon ng mabahong paa. Gumamit ng deodorant poweder sa inyong paa at sapatos upang maiwasan ang masamang amoy. 
  6. Maaari ding iwasan ang pagkain ng mga pagkain na nagdudulot sa iyo ng sobrang pagpapawis tulad ng sili at maaanghang na agkain. Ang pag-inom din ng sobrang daming kape at alak ay nagdudulot ng pagpapawis.

You Might Also Like

0 comments

Google+ Followers

Twitter Feed