Iba't Ibang Klase ng Bullying

7:46:00 PM


Iba't Ibang Klase ng Bullying

Ang bullying ay isang form of aggression kung saan ang isang tao o bata ay paulit-ulit na tinatakoto sinasaktan nang walang kalaban-laban. Maraming klaseng bullying. Alamin ang mga ito upang alam mo kung ikaw ba ay nabubully.

  1. Physical. Sakop nito ang pananakit tulad ng pagsuntok, pagsipa, pananampal sa isang tao. Kasama din dito ang paninira sa mga personal na kagamitan ng isang tao. 
  2. Verbal. Sakop nito ang pagsasabi ng masasama at masasakit na salita sa isang tao. Verbal bullying din ang paggamit ng masasakit na sila sa pagtawag sa isang tao at agbibigay ng mga sexual comments sa isang tao.
  3. Psychological or Social. Kasama dito ang pagkakalat ng tsismis tungkol sa isang tao at pagpapahiya sa publiko. 
  4. Electronic. Dahil nasa age of internet na tayo, ang cyberbullynig ay ang paggamit ng email, website, social media, ext messages o videos upang takutin o pagsamantalahan ang isang tao.

Kung ikaw o ang iyong anak ay nakakaranas ng bullying, tandaan ang detalye ng pambubully tulad ng petsa, lugar at kung sino ang nambully sa iyo. Ipagbigay alam sa iyong mga magulang at authorities tulad ng principal, teacher o guidance counselor. Mahalaga din na alamin ang polisiya at batas ng paaralan tungkol sa bullying upang malaman mo ang iyong karapatan oras na ikaw ay maging biktima ng bullying.

You Might Also Like

0 comments

Google+ Followers

Twitter Feed