Male Infertility: Alamin ang mga madalas gawin na maaaring mauwi sa pagkabaog!

6:08:00 PM


Male Infertility: Alamin ang mga madalas gawin na maaaring mauwi sa pagkabaog!

Nakakabaog daw ang paggamit ng masikip na brief, paglalapag ng laptops sa hita at paliligo sa hot tub? Ano nga ba ang totoo?

Ang testicles o bayag ay bahagyang mas malamig kumpara sa temperatura ng ating katawan. Mas malamig ito kumpara sa ating laman-loob dahil ang mainit na temperatura ay maaaring makapatay sa sperm cells o semilya. Halos tatlong buwan ang itinatagal upang mapalitan ang mga semilya kapag ito ay namatay o nasira.

Laging sinasabi na ang pagsusuot ng brief, paglalapag ng laptop sa hita o ang pagpunta sa sauna o paglublob sa hot tubs ay nakakapagpataas ng temperatura sa testicles at nagreresulta sa pagbaba ng sperm counts. Alamin natin kung totoo nga ba ito.

  1. Laging pinagdedebatehan kung briefs o boxers ang dapat suotin. Sinasabing ang masikip na brief ay nagdidikit ng testicles sa katawan at dahil dito tumataas o umiinit ang temperatura ng testicles at maaaring magdulot ng pagkabaog. Ngunit ayon kay Dr. Edmund Sabanegh, director ng Center for Male Fertility and Chair of the Urology Department at Cleveland Clinic, hindi ito nakakaapekto. Suotin kung ano ang palagay mong komportable kang suotin.
  2. Madalas na inilalapag ang mga laptop sa pagitan ng mga hita upang mas madali itong gamitin. At dahil naglalabas ng init ang laptop, sinasabing nakakapagpataas ito ng temperatura ng testicles. Gumamit ng laptop pads o kaya naman ay ilapag ang laptop sa iyong desk o table upang maiwasan ang pagkasira ng semilya.
  3. Kahit na nasa isang hot sauna, nagagawa pa din na kontrolin ng testicles ang temperatura nito upang hindi ito masyadong maging mainit. Ngunit ang paglublob sa mainit ha bath tub ay delikado dahil nakalubog ang testicles sa mainit na tubig at hindi nito magagawang palamigin ang sarili. Delikado ito para sa mga semilya dahil maaaring silang masira dahil sa sobrang init ng tubig.

You Might Also Like

0 comments

Google+ Followers

Twitter Feed