Masamang Epekto sa Kalusugan ng Bullying

3:02:00 AM


Masamang Epekto sa Kalusugan ng Bullying

Ang mga batang biktima ng bullying ay maaaring makaranas ng iba't ibang masamang epekto sa kanilang kalusugan.

  1. Mental health problems. Ang mga batang nakaranas ng bullying ay may mataas na risk na magkaroon ng depression, anxiety, problema sa pagtulog, mababang self-esteem at maaaring magkaroon ng tendency na kitilin ang sariling buhay (suicide). 
  2. Mababang academic performance. Maaaring ayaw nang pumasok sa paaralan at nagkakaroon na ng mababang grades. Ang mga nakaranas ng bullying ay kadalasang nakakamiss ng klase, hindi pumapasok o nagdrop out sa school. 
  3. Substance abuse. Ang mga nakaranas ng bullying ay mas madalas na umiinom ng alak at gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Ito ang nagiging paraan nila upang makalimutan ang naranasang pambubully. 
  4. Karahasan. May ilang mga batang nakaranas na mabully ang nagiging bayolente at mapanakit. Ito ang kanilang nagiging outlet sa mga naranasan nilang pambubully.

Huwag mong hintayin na marami pang makaranas ng bullying dahil maaari nilang maranasan ang masamang epekto na ito sa kanilang kalusugan at personal na buhay. End the silence. Stop the violence.

You Might Also Like

0 comments

Google+ Followers

Twitter Feed