Mga Benepisyo Mula sa Pagkain ng Oatmeal

2:07:00 PM


Mga Benepisyo Mula sa Pagkain ng Oatmeal

Ang oatmeal ay madalas na kinakain sa umaga. Naging popular ito dahil sa maraming posibleng health benefits sa ating katawan. Mayaman ito sa dietary fiber na nakakatulong upang pababain ang cholesterol levels. Ayon pa sa US Food and Drug Administration, ang oats ay nakakatulong pababain ang risk ng pagkakaroon ng sakit sa puso at colorectal cancer.

  1. Ang pagkain ng oatmeal ay nakakatulong upang maiwasan ang coronary heart disease. 
  2. Ayon sa mga mananaliksik sa Britain at Netherlands, ang pagkain ng 10g ng fiber ay nagdudulot ng 10% reduction sa risk ng pagkakaroon ng colorectal cancer. 
  3. Ayon sa isang pag-aaral na naipublish sa American Journal of Clinical Nutrition, ang pagkain ng oatmeal ay nakakatulong sa pagpapababa ng blood pressure. 
  4. Isang pag-aaral mula sa British Journal of Nutrition, ang pagkain ng oatmeal ay mainam para sa digestive at general metabolic health ng isang tao. Pinapababa din nito ang risk ng isang tao na magkaroon ng obesity at chronic disease. Nakakatulong din ito na hindi agad magutom ang isang tao.

Mahilig ka bang kumain ng oatmeal?

You Might Also Like

0 comments

Google+ Followers

Twitter Feed