Paninigarilyo, nagdudulot ng wrinkles!

5:05:00 AM




Paninigarilyo, nagdudulot ng wrinkles!

Isa sa mga epekto ng paninigarilyo sa tao ay ang pagkakaroon ng wrinkles. Ang paninigarilyo ay nagpapabilis ng normal aging process ng balat ng isang tao kaya napapabilis nito ang pagkulubot ng balat. Makikita ang mga pagbabagong ito sa loob lamang ng 10 taon ng paninigarilyo. Mas maraming sigarilyo ang iyong nahithit at mas matagal kang nanigarilyo, mas maring kulubot ang makukuha mo sa iyong balat.

Hindi lang sa mukha nagdudulot ng wrinkles o kulubot ang paninigarilyo kundi pati sa braso, kamay at hita. Maaaring maiwasan ang mga ito kung ititigil mo na ang iyong paninigarilyo.

Ang nicotine na laman ng sigarilyo ay nagdudulot ng pagkitid ng mga ugat na siyang dinadaluyan ng dugo papunta sa iyong balat. Dahil hindi maganda ang daloy ng dugo, hindi maaayos ang pagdala ng oxygen at nutrients tulad ng vitamin A sa balat.

Karamihan sa 4000 kemikal na nasa sigarilyo ay nakakasira sa collagen at elastin sa iyong balat. Ang mga fibers na ito ay kailangan para sa strength at elasticity ng balat. Kapag nasira ito, lalawlaw ang balat at magkakaroon ng pagkulubot.

You Might Also Like

0 comments

Google+ Followers

Twitter Feed