Tips Para Magkaroon ng Healthy Prostate

9:09:00 PM


Tips Para Magkaroon ng Healthy Prostate

Madalas ay hindi pinag-uusapan ang tungkol sa kalusugan ng prostate. Ngunit dahil sa pagtaas ng risk ng pagkakaroon ng prostate cancer habang tumatanda ang isang lalake, mahalaga na malaman kung paano mapapangalagaan at mapapanatili ang malusog na prostate.

1. Magkaroon ng Balanced Diet.
Ang pagkain ng mga berdeng gulay ay mainam para sa prostate. Ito ay mayaman sa bitamina at antioxidants na nagpapanatili ng kalusugan ng prostae. Magandang kumain ng lettuce, spinach, kale at broccoli. Iwasan naman ang mga tostadong inihaw na karne. Ang kulay itim na sunog na parte ng inihaw na karne ay nakitaan ng link sa pagkakaroon ng cancer.

2.Get Some Sun.
Huwag magtago sa init ng araw. Mahalaga ng kahit kaunting sandali ay naaarawan dahil kapag hindi ay mas tataas ang risk ng pagkakaroon ng prostate cancer. Ang vitamin D na nagagawa ng ating katawan kapag tayo ay naaarawan ay mainam na pagpapababa ng risk ng prostate cancer. Bukod dito, maganda din ang vitamin D sa kidneys at pancreas.

3. Mahalaga na sumailalim sa screening.
Kung ikaw ay nasa edad na 40, maaaring sumailalim na sa prostate cancer screening tulad ng digital rectal exam at prostate-specific antigen blood test. Kumonsulta muna sa inyong doktor upang malaman kung kailangan mo nang sumailalim sa prostate cancer screening.

You Might Also Like

0 comments

Google+ Followers

Twitter Feed