INJURIES AT VIOLENCE: Global Public Health Concern

3:07:00 AM


INJURIES AT VIOLENCE: Global Public Health Concern

Kada anim na segundo, isang tao ang namamatay dahil sa injury.

Ang injuries at violence ay nakakaligtaan sa global health agenda sa mga nakaraang taon. Maraming bansa na ang nagtagumpay na masugpo at mapigilan ang mga injuries at violence sa pamamagitan ng pagtutulong tulong ng iba't ibang sektor ng lipunan kasama na ang kalusugan. 

Higit sa limang milyong tao ang namamatay kada taon dahil sa injuries. Ito ay kumakatawan sa 9% ng lahat ng pagkamatay sa buong mundo. Halos 1.7 times na mas maraming tao ang namamatay mula sa injuries kaysa sa pinagsamang dami ng namamatay mula sa HIV/AIDS, tuberculosis at malaria.

25% ng limang milyong namatay dahil sa injuries ay sanhi ng suicide at homicide. 25% din nito ang dulot ng aksidente sa daan. Ang iba pang dahilan ng injuries ay pagbagsak, pagkalunod, sunog, pagkalason at giyera.

Ang injuries ay isang importanteng public health concern at patuloy na lumalaki ang problemang ito sa maraming bansa. Sa taong 2020, tinatayang ang aksidente sa daan ay magiging ikapitong pinakamadalas na sanhi ng pagkamatay, ang pagkahulog at suicide ay mananatili din sa top 20 causes of death.

Hindi lang pagkamatay kung hindi nagdudulot din ang injuries ng psychological health effects sa biktima at pamilya nito. Kailangang gumawa ng paraan upang mapigilan ito. Kailangang magtulung-tulong ng international community, national governments at civil society upang maging ligtas ang pmayanan mula sa injuries at violence.

You Might Also Like

0 comments

Google+ Followers

Twitter Feed