Mga Sintomas ng Uterine Fibroids

1:52:00 AM


Mga Sintomas ng Uterine Fibroids

Ang fibroids ay benign na tumor na tumutubo sa uterus ng isang babae. Maaaring magkaroon ng isa o maraming fibroids sa uterine cavity. May mga nananatiling maliit ngunit merong lumalaki ng hanggang kasinlaki ng pakwan. Ayon sa mga doktor, 70-80% ng mga kababaihan edad 20 pataas ay mayroong uterine fibroids ngunit 25-30% lamang ang nakakaranas ng sintomas nito. Kung mayroon kayo ng mga sintomas na mababanggit, mainam na kumonsulta sa inyong doktor

1. Malakas na pagreregla at mas matagal sa isang linggo.
2. Pananakit ng ibabang bahagi ng tiyan na parang tinutusok o mainit sa pakiramdam. 
3. Nagkaroon ng regla sa pagitan ng iyong menstrual period 
4. Pananakit ng balakang na parang may pressure na nararamdaman 
5. Madalas na pag-ihi. 
6. Hirap matunawan ng kinain o hindi regular na pagdumi. 
7. Posibleng dahilan ng hindi pagbubuntis o pagkalaglag ng sanggol na dinadala sa sinapupunan 
8. Anemia

Ang gamutan sa uterine fibroids ay depende sa sinomas na nararanasan ng isang babae. Para sa mga babaeng gusto pang magbuntis, myomectomy ang ginagawang gamutan kung saan tinatanggal ang uterine fibroids. Para sa mga babaeng wala nang balak magkaanak o hindi na magbubuntis pa, hysterectomy ang gamutan kung saan tinatanggal na ang buong uterus. Kumonsulta sa inyong doktor para sa tamang gamutan sa iyong uterine fibroids.

You Might Also Like

0 comments

Google+ Followers

Twitter Feed