OMF Lit Readiscover Bag

3:55:00 AM


Pagkatapos ng exam namin sa Clinical Epidemiology at klase sa Art of Medicine, pumunta agad kami ng SMX Convention Center para makapunta sa Manila International Book Fair 2016. Hindi ko pwedeng palampasin ito dahil sobra akong napapasaya kapag nakakabili ako ng mga libro. Ito talaga yung gamit na hindi ako nanghihinayang bilhin. Talagang pinag-iipunan ko ang pagdating ng MIBF para marami akong mabiling libro. 

Una naming pinuntahan ang C&E Bookshop para maghanap ng mga medical books. Pagkatapos ay humiwalay muna ako sa mga kasama ko at pumunta ako agad sa OMF Lit stall. Naaalala ko last year na higit sa kalahati ng mga librong binili ko ay mula sa OMF Lit. Agad kong nakita yung booth kung saan nakalagay yung mga Readiscover bags. Sa halagang 999 pesos lang, makakakuha na ng mga Bible, libro, damit at gift certificates. Sabi ni Kuya na nag-aassist sa mga bumibili, higit daw sa 2000 pesos ang halaga ng nasa loob ng bags. Agad naman akong bumili kasi sobrang sulit talaga. 

Kaya Readiscover bag ito ay dahil hindi mo alam kung ano ang laman sa loob. Ang alam ko lang ay sobrang sulit talaga nito at sigurado akong marami akong makukuhang magandang items mula dito. Pagkatapos kong bumili ng iba pang mga libro mula sa OMF Lit, nagbayad na ako. Nagulat ako na may kasama pang libreng OMF Lit Kaibigan Privilege Card. Sobrang sulit talaga dahil magagamit ko ang card para makakuha ng 10% off kapag bumili ako sa OMF Lit bookstores tapos kapag birthday month ko, 20% ang discount sa lahat ng items.

Bago umuwi ng condo, kumain muna kami ng mga kasama ko. Syempre binuksan ko na agad yung bag dahil excited na akong malaman ang laman nitong mga libro. Hindi naman ako nabigo sa mga nakuha kong libro at items. Ang galing pa kasi kasya sa akin yung damit mula sa OMF.

Narito ang mga librong nakuha ko mula sa Readiscover Bag:
1. Our Hands His Healing by Jeanie Morgan
2. Undaunted: Daring to do what God calls you to do by Christine Caine
3. Lead...for God's Sake! by Todd Gongwer
4. ESV Bible
5. Bible for Toddlers
6. Art to Feed the Heart: A Coloring Book to Nurture Your Faith

May mga freebies pa akong nakuha:
1. Giga Peppermint Soap
2. Passion Cards
3. Faber-Castell Connection Pen Jeepney Craft
4. 200 peso-worth gift certificates from Worship Generation
5. Piesa Accessories Necklace
6. OMF Lit Shirt

Sobrang sulit talaga ng Readiscover bags. Hindi ka talaga magsisisi sa pagbili. Excited na akong basahin ang mga librong ito. Uunti-untiin kong basahin at isasabay sa dami ng mga babasahin sa medical school. Salamat OMF Lit! Sa susunod na MIBF ulit.

You Might Also Like

0 comments

Google+ Followers

Twitter Feed