Paano nagkakaroon ng UTI ang buntis?

6:08:00 PM


Paano nagkakaroon ng UTI ang buntis?

Bacteria ang kadalasang sanhi ng pagkakaroon ng urinary tract infections. Bagamat maroong naman talagang bacteria sa ating balat, sa puwit at sa dumi, kadalasang walang gaanong bacteria sa ating ihi at daanan ng ihi. Kapag ang bacteria ay nakapasok sa daanan ng ihi, maaari silang magparami doon at magdulot ng sakit at pamamaga sa ating urinary tract.

Kahit sino ay maaaring magkaroon ng UTI pero madalas itong nakikita sa mga babae lalo na ang mga buntis. Ang pagbabago sa hormones ng buntis ay nagdudulot ng pagbabago sa urinary tract na nagdudulot ng mataas na posibilidad ng pagkakaroon ng UTI. Dahil sa mataas na pressure mula sa lumalaking uterus, hindi makadaan ang ihi at hindi ito lahat nailalabas. Kapag naging stagnant ang urine o hindi nailabas, maaari itong pagmulan ng UTI.

Narito ang ilang paraan kung paano nakakapasok ang bacteria sa daanan ng ihi: 
  1. Nahaharang ang daanan ng ihi dahil sa pressure na nagmumula sa lumalaking uterus ng buntis 
  2. Pakikipagtalik 
  3. Catheters o tubo na ipinapasok sa pantog upang mailabas ang ihi 
  4. Dumi na nadidikit sa puerta ng babae pagkatapos dumumi

Ilan sa mga sintomas ng UTI ay palaging pag-ihi, hirap na umihi, pananakit ng lower back at lower abdomen, parang mainit at sinusung ang pakiramdam kag umiihi at mabula ang ihi at mabaho ang amoy.

You Might Also Like

2 comments

  1. Sa unang tatlong buwan po ng ipinagbubuntis ko ay 30-35 po pus cells ko, tapos ngaung pitong buwan na po tiyan ko pina-urinalysis po ako ulit at ang lumabas po na result po ay +100 na pus cells ko. Ano po ba dapat kung gawin? uminom na po ako ng Augmentin antibiotics pero parang mas lalo pong lumala .. Ano po ba mga dapat at di dapat kainin? Tapos may lumalabas po na white liquid sa ari ko medyo malansa? Ano po ba yun? Maraming salamat po...

    ReplyDelete
  2. Buntis PO ako mag dlawang buwan na po ngaung June 1 pkiramdam ko po my uti ako Kasi masakit po right abdomen ko pra tnotusok pro hndi nmn PO masakit umihi madalas pro Marami ano po bah ang pwde Gawin oh incoming...Sna matulongan nyo po ako slmat

    ReplyDelete

Google+ Followers

Twitter Feed