Pag-ibig na hanggang FB, Twitter at Instagram na lang

9:08:00 AM


Natutunan ko nang makuntento sa mga ngiti mo
Sapat na sa akin yung araw-araw mukha mo ang nakikita ako
Alam ko pa rin yung mga nangyayari sa iyo
Salamat sa social networking sites, sila na lang ang may alam ng pag-ibig ko sa iyo

Araw-araw pa rin akong bumabalik sa mga litrato nating dalawa
Na alam ko namang ayaw mo nang makita at maalala
Buti na lang may Facebook na laging nagpapaalala
Na minsan sa nakaraan, masaya tayo at nagmamahalan

Masakit makita yung mga bagong posts mo sa Instagram
Litrato kasama yung lalaking sabi mo laging nagpaparamdam
'Di na ako magugulat kung makita ko na lang na "in a relationship" ka na
Bilis mo kasing makamove-on sa ating dalawa

Sa tuwing mababasa ko yung mga tweets mo sa Twitter
Hindi ko maiwasang makaramadam ng pagkabitter
Alam ko namang dapat masaya ako dahil masaya ka na
Ang hirap lang talagang makita kang masaya sa piling ng iba

Halos araw-araw kayong nagpapalitan ng tweet
Madalas hindi ko kinakaya dahil sobra kayong sweet
Hindi ko alam kung bakit binabasa ko pa rin kahit sobrang sakit na
Kasi dapat ako ang kapalitan mo ng tweets at hindi siya

Pero wala akong karapatan na masaktan
Kasi ako naman yung humiling na ako'y layuan at kalimutan
Natakot lang ako na walang kasiguraduhan at patutunguhan
Ang ating pag-iibigan at pagmamahalan

Kagaya nang sa kawalang kasiguraduhan ng mga posts online
Hindi mo alam kung mayroon bang katotohanan
Maaari kasing walang katotohanan ang pag-ibig na iyong nararamdaman
Takot lang akong umasa tapos iiwan na lamang ng biglaan

Hayaan mo at hindi na kita titingnan pa sa kahit ano pang social networking sites
Sa Facebook man, Twitter o Instagram
Kailangan ko nang tanggapin ang katotohanan
Yung TAYO ay nandoon na lang sa nakaraan, sa mga lumang posts sa FB, Twitter at Instagram. Wala ng TAYO sa kasalukuyan

Katulad ng kung gaano kabilis nagbabago ang Facebook status natin
Ganoon din kabilis nagbago yung pag-ibig mo sa akin
Kung gaano kadaling magbura ng mga hindi magandang litrato
Ganoon mo din kadaling binura ang alaala ko sa puso mo.

Huling sulyap nalang sa mga litrato mo
Pagkatapos nito, pangako, move-on na ako.

You Might Also Like

0 comments

Google+ Followers

Twitter Feed