10 minutes of Nap, Nakakaalis ng Antok at Nagbibigay Lakas

6:30:00 PM


Bagamat karamihan sa atin ay gusto na magkaroon ng maayos na tulog, pito hanggang walong oras kada araw, ang katotohanan ay hindi natin ito nagagawa at nakakakuha lamang tayo ng lima hangang anim na oras o minsan ay mas mababa pa. Dahil dito, marami sa atin ang umiidlip (nap) upang mapawi ang ating puyat. May tatlong klase ng nap o pag-idlip na makakatulong sa iyo.

  1. Planned Nap - Ang nap na ito ay ginagawa kapag alam mo na magpupuyat ka mamaya o hindi ka agad makakatulong dahil may kailangan kang tapusin na gawain. Nakakatulong ito upang maging alerto ka at gising.
  2. Emergency Nap - Ito ang pinakamadalas na ginagawang pag-idlip ng mga tao. Ginagawa mo ito kapag kailangan mong magmaneho ng kotse at inaantok ka. Bago ka magmaneho, umidlip ka muna para mawala ang iyong antok. Kapag paulit-ulit ang iyong emergency nap, sensyales ito na kulang ka sa tulog.
  3. Habitual Nap - Ito ay ang pag-idlip sa parehong oras kada araw. Maaaring hindi mo ito napapansin pero kadalasan kapag katapos kumain ay madalas umiidlip ang mga tao.
Mahalaga na nakaoras ang iyong pag-idlip. Kailangan ay mabilis lamang. Ayon sa isang pag-aaral, ang sampung minuto na pag-idlip ang nagbibigay ng pinakamalaking benepisyo para mawala ang antok at makapag-isip ng maayos ang isang taong puyat. Kapag tumagal ang iyong nap, maaaring magdulot ito ng negative effects tulad ng pagkaramdam ng lalong antok. Dapat ay 10 - 15 minuto na idlip ang iyong gawin upang makakuha ng pinakamalaking benepisyo.

You Might Also Like

0 comments

Google+ Followers

Twitter Feed