Dok, ano po ang prehypertension? Kailangan ko na bang mag maintenance?

8:24:00 AM


Mayroon kang prehypertension kapag ang iyong systolic (top number in BP) ay 120-139 mmHg o ang iyong diastolic (bottom number in BP) is 80-89 mmHg. Ang prehypertension ay isang warning sign na maaari kang magkaroon ng high blood pressure sa hinaharap. Ang pagkakaroon ng high blood pressure ay risk factor para sa atake sa puso, stroke, coronary heart disease, heart failure at kidney failure. Kailangan ang tamang pagkain, lifestyle habits at gamutan ng mga taong may mataas na blood pressure.

Humigit kumulang kalahati ng mga kabataan edad 18 taon pataas ay mayroong prehypertension o hypertension. Ang mga taong may prehypertension ay may mas mataas na posibilidad na magkaroon ng cardiovascular disease risk factors tulad ng mataas na cholesterol, obesity at diabetes.

Hindi kailangan ng gamutan o maintenance kapag ikaw ay prehypertensive. Para maiwasan ang prehypertension, narito ang ilang mga simpleng tips na pwede mong gawin.
  1. Magbawas ng timbang. Ang pagiging overweight ay nagpapataas ng posibilidad na magkaroon ka ng mataas na bloo dpressure. Kapag nabawasan ang iyong timbang, maaari ring bumaba ang iyong blood pressure. Mag-ehersisyo ng madalas upang bumaba ang iyong timbang.
  2. Kumain ng maraming prutas, gulay, whole grains, isda at low-fat dairy. Ayon sa pag-aaral, ang mga pagkaing nabanggit ay nakakapagpababa ng blood pressure. 
  3. Bawasan ang dietary salt at sodium na kinakain. Ang asin o sodium ay nakakapagpataas ng blood pressure. Kailangan na limitahan ito. Mas mababa sa 2300 mg ng sodium lamang ang nakakain sa isang araw. Katumbas lamang ito ng isang teaspoon ng asin. 
  4. Bawasan ang mga pagkain na may trans fat at maraming cholesterol. Iwasan ang mga margarine, snack food, pastries, frozen products at instant food na sobrang taas sa cholesterol. 
  5. Bawasan ang pag-inom at paninigarilyo dahil nakakapagpataas ito ng blood pressure.

Importante na malaman ang iyong blood pressure. Obserbahan kung palagi ba itong mataas o normal lang. Maaaring pumunta sa doktor, barangay health center o bumili ng digital na blood pressure app para mamonitor ang iyong blood pressure. Gumawa ng blood pressure diary upang malaman mo kung tumataas ang iyong blood pressure.

You Might Also Like

0 comments

Google+ Followers

Twitter Feed