Iba't Ibang Klase ng Nagmamahal: Parang Exam Questions Lang Yan!

8:24:00 AM


May iba't ibang klase ng nagmamahal. May mga sigurado sa taong minamahal nila, may mga taong napakaraming options ng kung sino ba ang iibigin nila, may mga taong ang daming reserba at ang daming pinapaasa! Narito ang ilang klase ng nagmamahal at ang pagkakahalintulad nila sa iba't ibang klase ng exam questions.

1. Multiple Choice

Sila yung mga taong laging maraming options. Kadalasan nahihirapang pumili kung sino ba ang mamahalin kasi laging maraming umaasa at naghihintay para sa kanilang pagmamahal. Kadalasan pa, kulang sa testmanship skills, yung maling sagot pa yung pinipili, yung maling tao yung minamahal. Hindi naman sila paasa o mahilig magfriendzone pero hirap lang talagang pumili dahil sa dami ng options. So kung okay ka lang na maghintay na ikaw ang gawing top priority and option, sige lang. Ipauso mo ulit ang pagiging martir.

2. Enumeration
Sila yung mga taong ang daming nakalistang mga taong pwedeng paasahin at paikutin. Ginagawang enumeration ang pag-ibig sa pamamagitan ng paglilista ng lahat ng mga taong pwede nilang makapareha. Sila yung mga tinatawag na pa-fall. Sila yung tipo ng taong sobrang bait sa lahat ng tao, minsan tuloy hindi mo alam kung sadyang mabait lang o nangongolekta lang talaga ng mga taong pwedeng maging lovelife. Takot siguro silang maubusan ng pwedeng mahalin, kaya todo sa pangongolekta! Ingat ka sa kanila, kasi baka isa ka na sa mga naenumerate nilang paasahin!

3. Matching Type
Ayos na sana yung matching type lalo na kung tamang kapareha ang pipiling kamatch. Kaso lang, may mga taong ayaw ng one-to-one na matching type. Yung tipong hindi kuntento sa isa lang. One-to-many pala ang trip. Ang dami pala niyang gustong maging kamatch. Akala mo sila na talaga yung forever mo pero magugulat ka nalang na ang dami din pala niyang pinangakuan ng forever. Mahirap silang mahalin, baka forever ka nalang aasa at masasaktan sa kanila.

4. Essay
Ayos din naman ang mga taong ginagawang essay ang pag-ibig. Magaling sa salita, sobrang mapapaibig ka talaga dahil sa galing magpaliwanag ng intentions nila sa pakikipagmabutihan sa iyo. Pero kagaya din ng kung paano pwedeng palamutian ng mga mabubulaklak na salita ang essay, ganun din naman na pwede din nilang idaan lang sa matatamis na salita ang pag-ibig nila. Mabuti sana kung ipinapakita din sa gawa. Pero may-iba hanggang salita lang. 

5. Identification
Ayos ang mga taong ginagawang identification ang pag-ibig. Kasi sa identification, isa lang naman ang dapat mong isagot. Syempre, dapat sigurado ka sa sagot mo. Walang maraming options tulad ng multiple choice. Ang hirap din kasi kapag may options, lalo ka lang nalilito. Hindi rin pwedeng maglista ng ibang mga posibleng sagot kasi isa lang dapat kapag identification. Higit sa lahat, alam nilang ma-identify kung sino ba talaga yung tamang pag-ibig para sa kanila. Ikaw, baka naidentify mo na yung ka-forever mo, sana maidentify ka na din niya.

6. Modified True or False
Ayos din yung mga taong ginagawang modified true or false ang pag-ibig. Kasi alam nila kung ano ang tama at kung ano ang mali. Kung may mali man, pwedeng itama kaya nga "modified true or false". Sila yung mga taong hindi ka matatakot mahalin kasi sigurado kang tama ang hangarin sa iyo at siya na yung tamang tao para sa iyo. Magkaroon man ng pagkakamali along the way, kaya pa rin nilang itama ang pagkakamali nila.

Ikaw anong klase ka ng exam questions kapag nagmahal?

You Might Also Like

0 comments

Google+ Followers

Twitter Feed