Nagkakaroon din ng Breast Cancer ang Mga Lalake

9:42:00 PM


Akala ng mga tao ay hindi nagkakaroon ng breast cancer ang mga lalake. Hindi nila alam na halos 2100 na lalake ang nagkakaroon ng breast cancer kada taon. Mas huli nga lang nagkakaroon ng breast cancer ang mga lalake kumpara sa mga babae. Sa nakaraang 25 taon, tumaas ng halos 26% ang kaso ng breast cancer sa mga lalake.

Nagkakaroon ng breast cancer ang mga lalake dahil mayroon pa rin silang suso. Yun nga lang mas maliit ito kumpara sa mga babae. Hindi ito madalas marinig dahil mas kaunti ang nagkakaroon ng breast cancer sa mga lalake. Ang mga lalakeng may malaking suso (gynecomastia) at may genetic disease na Klinefelter's syndrome ay may mas mataas na risk ng pagkakaroon ng breast cancer.

Mas late nalalaman ang pagkakaroon ng breast cancer sa lalake kumpara sa babae. Mahalaga na kumonsulta sa doktor kung sakaling may napansing pagbabago sa iyong suso. Pareho lang ang diagnostic procedures sa lalake at babae, kailangan ng physical exam, mammogram at biopsies upang matiyak ang pagkakaroon ng breast cancer. Marami namang options para sa gamutan tulad ng operasyn, radiation at chemotherapy.

You Might Also Like

0 comments

Google+ Followers

Twitter Feed