Paano Maiiwasan ang Constipation sa mga Bata?

6:49:00 PM


Madalas na nakakaranas ng constipation o hindi natutunawan ng kinain ang mga bata. Hindi madalas ang kanilang pagdumi o kapag dumumi ay sobrang tigas nito. Karamihan sa mga kasong ito ay panandalian lamang at mawawala rin. Lalo na kung tuturuan ang mga bata na kumain ng mga prutas at gulay na mayaman sa fibers at uminom ng maraming tubig.

Ang mga sintomas at senyales ng constipation ay pagdumi ng mas kaunti sa tatlong beses kada isang linggo. Sobrang tigas na dumi at hirap sa pagdumi. Nakakaranas ng pananakit ng tiyan. May dugo sa iyong dumi.

Ang mga kadalasang dahilan ng constipation sa mga bata ay ang pagpipigil ng pagdumi, hindi pagkain ng mga prutas at gulay, hindi pag-inom ng sapat na dami ng tubig, pag-inom ng ilang mga gamot tulad ng antidepressants, nasa lahi ng pamilya ang constipation o may sakit na digestive system.

Kapag mayroong constipation at may kasama itong lagnat, pagsusuka, dugo sa dumi, pamamaga ng tiyan, pamamayat ng bata, pagsusugat ng puwit ng bata at pagluwa o paglabas ng laman o tissue sa puwi, pumunta agad at kumonsulta sa inyong doktor.

You Might Also Like

0 comments

Google+ Followers

Twitter Feed