Tips Para Maiwasan ang Pagiging Malilimutin

6:31:00 AM


Ang memorya ng isang tao ay nababawasan habang tumatanda ngunit may mga simpleng paraan upang maiwasan ito. Ayon kay Dr. Stephen Rao mula sa Cleveland Clinic Lou Ruvo Center for Brain Health, para mapatalas ang memorya, kailangan ay maging aktibo ang isang tao.

Ang pagiging aktibo ay hindi lamang ang pagkakaroon ng regular na physical activity. Mahalaga din ang social activities tulad ng pakikipag-usap sa ibang tao.


Ang pakikisalamuha sa ibang tao ay mayroong positibong epekto sa utak ng isang tao. Ang pagbibigay mo ng oras sa ibang tao, o ang pagtulong mo sa iba ay nakakatulong sa kalagayan ng iyong mental health. Mainam din ang mga mental exercises tulad ng crossword puzzles dahil nakakatulong itong mapanatiling matalas ang memorya.

Ang pagkain din ng low-fat diet o pagbabawas ng mga mamantika at matatabang pagkain ay makakatulong upang maiwasan ang memory loss.

Ang lahat ng ito ay makakatulong upang maging matalas ang memorya at maiwasan ang pagkakaroon ng Alzheimer's disease sa hinaharap.

You Might Also Like

0 comments

Google+ Followers

Twitter Feed