Apat na Paraan Para Kontrolin ang Iyong Gout Sa Darating na Holiday Season

8:20:00 PM


Kapag dumarating ang kapaskuhan, napaparami ang kain ng mga tao na maaaring magdulot ng gout attack. Ilan sa mga paraan para maiwasan ito ay ang pagbabawas ng pagkain ng karne at shellfish. Narito ang ilan pang mga paraan
  1. Kontrolin ang pag-inom ng alak. Ang alkohol ay maaaring magpataas ng uric acid levels sa katawan na maaaring mauwi sa gout attacks. Kaya mas mainam na huwag nang uminom ng alak. Kung hindi maiwasan uminom ng alak, mas piliin ang red wine kaysa beer.
  2. Iwasan ang pagkain ng matatamis lalo na ang mga pagkain na may high-fructose corn syrup. Pinapataas nito ang uric acid levels. 
  3. Huwag nang magdagdag ng asin o patis sa pagkain. Iwasan ang mga pagkain na mataas sa sodium at asin dahil nagdudulot ito ng dehydration at magpapataas ito ng uric acid sa katawan. Laging uminom ng tubig, mga walong baso ng tubig kada araw para maiwasan ang dehydration.
  4. Uminom ng iyong gamot ng tama. Siguruhin na may supply ka ng iyong gamot sa gout sa darating na pasko.
Kapag nagawa ang mga ito, mas maiiwasan ang atake ng gout sa pasko.

You Might Also Like

0 comments

Google+ Followers

Twitter Feed