Mga Diet Soda, Maaaring Makapagpataba Pa!

1:47:00 AM


Ang aspartame ay isang sugar substitute na ginagamit sa mga pagkain at inumin lalo na ang mga diet soda. Kadalasan itong iniinong mga taong gustong magpapayat dahil nakakabawas ito ng calories mula sa pagkain atinumin. Ngunit may mga bagong resaerch na nagsasabi nahindi ito epektibo para sa pagbabawas ng timbang at maaari pang makapagdulot ng pagtaba.

Ang aspartame ay maaaring makapagdulot ng gutom at pagtaba. Nagkaroon ng pag-aaral ang Massachusetts General Hospital ukol sa epekto nito sa katawan ng tao. Ayon sa kanilang animal studies, walang pagbaba ng timbang na nakita sa pag-inom ng mga inumin na may aspartame. Ayon din sa pag-aaral, ang mga animal models na may high fat diet ay nagkaroon pa ng pagtaas ng timbang.

Ang aspartame ay nagiging phenylalanine, aspartic acid at methanol sa loob ng katawan ng isang tao. Ang phenylalanine at aspartic acid ay mga amino acids na nakikita sa mga protein-containing foods. Ngunit ang phenylalanine ay pumipigil sa paggawa ng IAP sa katawan ng tao. Kapag bumababa ang intestinal alkaline phosphatase (IAP), maaaring mas makaramdam ng gutom at pagtaas ang calorie consumption ang isang tao. Ito ay maaaring mauwi sa pagtaba.

Maaaring bawasan ang pag-inom ng maraming softdrinks dahil makakasama ito sa kalusugan. Ngunit kailangan pang magsagawa ng human studies upang makita talaga ang epekto ng aspartame sa tao.

Source: Gul et al. 2016. Inhibition of the gut enzyme intestinal alkaline phosphatase may explain how aspartame promotes glucose intolerance and obesity in mice, Sarah Shireen Gul et al., Applied Physiology, Nutrition and Metabolism

You Might Also Like

0 comments

Google+ Followers

Twitter Feed