Pagtiris ng Tigyawat, Maaaring Makamatay!

2:51:00 AM


Marami ang hindi nakakaalam na ang simpleng pagpisa o pagtiris ng pimples sa mukha lalo na sa bandang ilong ay maaaring maging sanhi ng pagkamatay ng isang tao.

Madalas na nakakaranas ng paglabas ng pimples ang mga teenager at kadalasang pinoproblema kung paano ito mawawala. Isang masamang kaugalian ang pagtiris ng mga pimples lalo na kung mayroon na itong mga nana. Ayon sa mga dermatologists ay dapat itong iwasan lalo na kung marumi ang iyong mga kamay kapag hinawakan mo ito.

Hindi lang mag-iiwan ng peklat ang mga pinipisang mga pimples, maaari rin itong pagmulan ng impeksyon na maaaring kumalat sa iyong dugo papunta sa utak. Kapag marumi ang iyong kamay at pinisa ang pimples, maaaring pumasok ang mikrobyo mula sa iyong kamay at dahil ang ugat sa mukha ay dumidiretso sa utak, maaaring magdulot ng impeksyon sa utak. Kapag hindi ito naagapan, maaaring makaranas ng pamamanhid ng katawan, pagkawala ng paningin at pagkamatay.

Kadalasang makakaranas ng sobrang sakit ng ulo, mataas na lagnat, pamamanhid ng mukha at labis na pagkapagod. Kapag nakaranas ng mga ito matapos putukin ang pimples sa mukha lalo na sa bandang ilong at itaas na labi, kumonsulta agad sa doktor. Muli, alalahanin na huwag putukin ang mga pimples at hayaan itong gumaling.

You Might Also Like

0 comments

Google+ Followers

Twitter Feed