Mga Dahilan Kung Bakit Lagi Kang Pagod

7:33:00 AM


Maraming tao ang nagrereklamo dahil lagi silang nakakaranas ng pagod. Ito ang kadalasang dahilan ng pagkonsulta ng mga pasyente. Kahit nakakatulog sila ng maaayos, nakakaramdam pa rin sila ng pagod.

Pisikal na Dahilan ng Pagod
May ilang mga sakit tulad ng anemia, problema sa thyroid, diabetes at sleep apnea ang maaaring magdulot ng labis na pakiramdam ng pagkapagod. Ang pagkakaroon ng sobra o kulang na timbang ay maaari ring maging dahilan. Ang pagbubuntis lalo na sa unang 12 linggo ay maaaring magdulot ng labis na pagod sa isang babae.

Psychological na Dahilan ng Pagod
Ang pagkakaroon ng anxiety ay maaaring magdulto ng insomnia o hirap sa pagtulog na maaaring pagmulan ng pagod. Ang pagkakaroon ng depression ay isa ring dahilan ng labis na pagkapagod.

Maaari ring makaramdam ng pagod mula sa pag-inom ng maraming alak at pagkain ng hindi masusustansyang pagkain.

You Might Also Like

0 comments

Google+ Followers

Twitter Feed