Mga Pagkain na Lalong Nagpapagutom sa Iyo

8:54:00 PM


Bagong taon na, ano ang mga diet resolutions mo? Ano ang mga babaguhin mo sa diet mo para mas maging healthy ka? Narito ang mga pagkain na dapat bawasan at palitan upang hindi agad magutom at mas makakain ng masustansyang pagkain.
  1. Croissants Napakababa ng satiety index o ang sukat kung paano naiibsan ng pagkain ang gutom. Maraming mantika at harina na nagbibigay ng maraming calories sa ating katawan
  2. Low-Fat Yogurt Kapag mas ngumunguya ka, mas nasasatisfy ang iyong gutom. Dahil hindi nginunguya ang yogurt hindi ito malakas makabusog. Madalas din itong nagtatagalay ng mga sweeteners na maaaring magpataas ng blood sugar. Mas mainam ang mga full-fat yogurt with granola, fresh berries o mani. Mas maraming fiber ito at mas nakakabusog.
  3. Muffins. Mataas sa harina, asukal at mantika ang muffin. Mataas sa calories pero hindi nakakabusog.
  4. White Rice. Biglan nagpapataas ng blood sugar tapos biglang bababa kaya mabilis magutom kapag white rice ang kinakain. Kung may pambili ay mas mainam ang basmati o brown rice. 
  5. Cereals with Artificial Sweeteners Ang mga cereals na mayroong label na "reduced sugars". Matamis lamang sila ngunit halos walang calories kaya nakakagutom pa rin.
  6. Fruit Juice. Wala itong fiber kumpara sa sariwang prutas at marami itong asukal na taglay. Mas mainam kainin ang prutas mismo dahil may fiber ito na talagang nakakabusog.
  7. White Bread. Wala itong taglay na fiber o nutrients mula sa whole grains na nakakabusog. Kumain ng mga whole grain na tinapay
  8. French Fries. Ang baked at boiled na patatas ay nakakabusog ngunit ang prito na pataas o french fries ay hindi nakakabusog. Mas maramina silang asin at maraming taba na delikado sa ating kalusugan.
  9. Alak. May mga pag-aaral na ginawa na kapag ikaw ay umiinom ng alak, ms marami kang kinakain na mataas sa calories. 
  10. Doughnut. Napakataas nito sa asukal ngunit walang gaanong nutritional value. Piniprito din ito kaya mataas sa mantika.

You Might Also Like

0 comments

Google+ Followers

Twitter Feed