Mga Simpleng Paraan Para Maiwasan ang Varicose Veins

7:16:00 PM


Hanggang ngayon ay wala pa ring siguradong gamot o paraan para maalis ang mga varicose veins. Maging ang surgery na nag-aalis ng varicose vein ay hindi rin 100% na matagumpay dahil may posibilidad pa rin na bumalik ang mga ito. Ngunit may mga paraan upang maiwasan ang pagkakaroon ng varicose veins at kung mayroon na ay maiwasan ang paglala pa nito.

Madalas na nakikita ang varicose veins. Ito ay dahil sa mga veins na lumalaki. Namamaga ang mga veins, nagiging kulay bughaw at nakaumbok ito. Maaaring magkaroon ng komplikasyon mula sa varicose veins tulad ng pagkakaroon ng ulcers o sugat sa paligid ng varicose veins. Maaaring magkaroon din ng phlebitis kung saan nagkakaroon ng blood clots sa veins. Kapag ito ay napunta sa baga, maaari itong magdulot ng pulmonary embolism na nakakamatay.

Para maiwasan ang varicose veins at mapigilan ang paglala pa nito, sundin ang mga simpleng paraan na dapat gawin:
  1. Magkaroon ng tamang timbang. Iwasan ang obesity o labis na katabaan. Kapag sobrang bigat ng iyong katawan, mas nagdudulot ito ng pressure sa mga ugat na nagdudulot ng varicose veins.
  2. Kumain ng mga pagkaing mayaman sa fiber tulad ng prutas, gulat at whole grains. Kapag kulang sa fiber, nakakaranas ng chronic constipation na isang risk factor ng pagkakaroon ng varicose veins. 
  3. Magkaroon ng regular na ehersisyo tulad ng pagtakbo, paglalakad at pagbibisikleta. Nakakatulong sa mabisang pagdaloy ng dugo ang pag-eehersisyo.
  4. Itaas ang iyong mga binti, mas mataas sa iyong balakang kapag nakahiga. Nakakatulong ito sa may varicose veins na mabawasan ang pressure sa iyong mga veins.
  5. Magsuot ng support stockings mula sa medical supply house.

You Might Also Like

0 comments

Google+ Followers

Twitter Feed