Hyperthyroidism Kapag Hindi Naagapan, Maaaring Mauwi sa Sakit sa Puso at Kamatayan

3:17:00 PM


Ang hyperthyroidism (overactive thyroid) ay isang kondisyon kung saan sobra ang inilalabas na homorone (thyroxine) ng iyong thyroid gland. Ang hyperthyroidism ay maaaring magpabilis ng iyong metabolism na magdudulot ng pagbaba ng timbang, mabilis at iregular na tibok ng puso, pagpapawis, laging kinakabahan at iritable.

Marami ang mga senyales at sintomas ng hyperthyroidism ngunit narito ang ilang halimbawa: 
  1. Biglang pagbaba ng timbang kahit na magana naman sa pagkain 
  2. Laging mabilis at iregular ang tibok ng puso (higit sa 100 beats per minute)
  3. Laging kinakabahan, iritable at may anxiety 
  4. Nanginginig ang iyong mga kamay at daliri 
  5. Pinapawisan lagi 
  6. Nag-iiba ang regla sa mga babae 
  7. Napapadalas ang pagdumi
  8. Lumalaki ang thyroid sa bandang leeg (goiter) 
  9. Laging pagod at nanghihina 
  10. Hirap makatulog 
  11. Nagiging manipis ang balat 
  12. Manipis at madaling maputol na buhok
May ilang hyperthyroid patients na mayroong Graves' ophthalmopathy kung saan parang lumuluwa ang kanilang mata. Kapag hindi nagamot ang hyperthyroidism maaaring mauwi ito sa komplikasyon sa puso tulad ng atrial fibrillation at congestive heart failure na nakakamatay, pagrupok o paghina ng mga buto na maaaring mauwi sa osteoporosis, paglabo at pagkasira ng mata lalo na sa mga may Graves' ophthalmopathy at thyrotoxic crisis kung saan maaaring maging mapanganib para sa iyong buhay.

Ayon pa sa pag-aaral ng Erasmus University Medical
Center noong 2016, ang mga taong may mataas ng thyroid hormone levels ay may mas mataas na risk na makaranas ng suddenc cardiac death (Source: Circulation. 2016;134:713–722. DOI: 10.1161/CIRCULATIONAHA.115.020789)

Kung nakakaranas ka ng mga sintomas na ito, kumonsulta agad sa iyong family doctor upang makapagpagawa ng laboratory tests para malaman kung ano ang iyong sakit. Maiiwasan ang komplikasyon ng hyperthyroidism kapag maagang nagamot ang sakit na ito. Kaya siguruhing kumonsulta sa inyong mga doktor.

You Might Also Like

0 comments

Google+ Followers

Twitter Feed