Hepatitis C Infection Pwedeng Maging Liver Cancer

7:10:00 PM


Ang hepatitis C infection ay nakukuha mula sa pagsasalin ng dugo. Nakukuha din ito sa paggamit ng hindi malinis na karayom lalo na kung may dugo ito mula sa ibang tao. Wala pang bakuna para sa hepatitis C kaya namn maganda na magpakonsulta sa doktor upang malaman kung ikaw ay mayroong hepatitis C. Ang palatandaan na ikaw ay maaaring may hepatitis ay jaundice o paninilaw ng iyong balat at mata. Nagkakaroon din ng matingkad na kulay ang iyong ihi na parang iced tea at kung ang kulay ng iyong dumi ay halos kulay abo o puti.


Ang hepatitis C ay sakit sa atay na maaring mauwi sa pagkakaroon ng liver cancer. Sa America, 5% ng mga taong may hepatitis C ay nagkakaroon ng liver cancer. Ang mga taong nagkaroon ng liver cirrhosis dulot ng hepatitis C ay may mas mataas na risk. Kapag tumagal ng mahabang taon ang iyong hepatitis maaari itong magdulot ng mutation sa iyong liver at maaaring mauwi sa liver cancer. Kung ikaw ay mayroong hepatitis C, iwasan na ang pag-inom ng alak dahil mas nakakasira ito sa iyong atay. Iwasan din ang paninigarilyo dahil dinodoble nito ang risk na magkaroon ka ng liver cancer.

You Might Also Like

0 comments

Google+ Followers

Twitter Feed