Mga Tips Para Hindi Mahawa ng Mamaso!

9:57:00 PM




Ang mamaso o impetigo ay isang nakakahawang saki sa balat. Makikita ito madalas sa mukha, leeg at kamay ng mga sanggol at bata. Ang mga batang gumagamit ng diapers ay madalas din magkaroon nito sa bahagi na natatakpan ng diaper. Ito ay nakukuha mula sa bacteria na Streptococcus pyogenes at Staphyococcus aureus.

Hindi komportable at minsan ay nahihiya ang mga taong may mamaso lalo na kung nasa mukha ang mga ito. Ang mga sintomas ay pagkakaroon ng mapulang sugat na mabilis pumutok at nagkakaroon ng dilaw na langib o crust, may laman na tubig ang mga sugat, makati, mayroong namamagang kulani

Nakukuha ang mamaso kapag nadikit ang iyong balat sa balat ng isang tao na may mamaso, paggamit ng mga laruan, tuwalya, unan at kumot ng isang taong may mamaso, nagkaroon ng sugat sa balat, kinagat ng insekto o hayop. Madalas na nagkakaroon ng mamaso ang mga batang edad 2-6 na taon, hindi malinis sa katawan, nakatira sa masikip at maduming paligid, may dermatitis at immunocompromised.

Ang gamot sa mamaso ay tamang paglilinis ng iyong balat upang mapabilis ang paggaling ng mga sugat. Linisin ang mga sugat gamit ang malinis na tubig at sabon. Huwag kutkutin at hawakan ang mga sugat upang maiwasan ang paglala nito. Kapag masyadong malala ang mga mamaso, maaaring magreseta ng topical antibiotics ang inyong doktor.

Para maiwasan ang mamaso, ugaliing maghugas ng kamay parati, maligo araw-araw at linisin ng mabuti ang mga sugat sa iyong katawan. Para naman hindi kumalat ang mamaso, gumamit ng antibacterial soap para hugasan ang mga kamay, punasan ang sugat ng malinis na tela, linisin ang iyong kuko, iwasan ang pagpasok sa paaralan hangga't may mamaso pa at huwag ipagamit ang iyong mga gamit sa ibang tao.

You Might Also Like

0 comments

Google+ Followers

Twitter Feed