Bipolar Disorder vs Depression: Ano ang Kanilang Pinagkaiba?

6:19:00 AM




Ang bipolar disorder at depression ay maraming pagkakapareho. Ngunit mayroon silang pinagkaiba. Kailangan na malaman kung alin talaga ang iyong sakit upang mabigyan ka ng tamang gamutan.

Ang depression ay labis na kalungkutan at pakiramdam na laging kang kulang. Nararamdaman mo na wala kang pag-asa, wala kang kwenta at hindi ka mapalagay. Hindi mo na naeenjoy ang mga bagay na dati mong ginagawa. Naaapektuhan na ang iyong pagtulog, pagkain at hindi ka na makaconcentrate. Minsan ay nagkakaroon ka na ng ideya na magpakamatay nalang. Kapag hindi sumailalim sa gamutan, palaging bagsak ang kanilang mood.

Ang bipolar disorder (manic depression) ay iba sa depression. Ang mga taong apektado nito ay may matinding mood swings. Minsan ay sobrang saya (mania) nila at minsan naman ay sobrang lungkot at depressed. Parehong extremes ang kanilang nararanasan at maaaring tumagal ng oras, araw, linggo o buwan bago magpalit ng mood. Minsan ay maaaring parehong maranasan ang depression at mania.

Kapag nakasumpong ang mania o pagiging high ng taong may bipolar disorder, nagiging masigla ito, kaunti lang ang tulog, nagsasalita ng mabilis at maraming iniisip. Pakiramdam nila ay napakagaling nilang multitasker. Minsan maaaring gumawa sila ng mga biglaan bagay tulad ng paggastos ng malaki o pagmamaneho ng sobrang bilis.

Kailangan kumonsulta sa mental health expert/psychiatrist upang madiagnose ang iyong kondisyon at mabigyan ng tamang lunas. Kung sa palagay mo ay mayroon kang bipolar disorder o depression, kailangang kumonsulta sa doktor agad.

You Might Also Like

0 comments

Google+ Followers

Twitter Feed