Laging Pagod? Baka Chronic Fatigue Syndrome Yan

4:07:00 AM


Ang chronic fatigue syndrome ay isang sakit kung saan nakakaranas ka ng labis na pagod na lubhang nakakaapekto na sa iyong buhay. Minsan ay hindi mo na magawa ang mga bagay na dapat mong dawin dahil pakiramdam mo sobrang pagod ka at kailangan na humiga lang at magpahinga. Bagamat, wala pang gamutan para sa sakit na ito, ang pag-eehersisyo at stress management programs ay nakatulong upang mabawasan ang sintomas.

Misteryo pa din kung ano ang dahilan ng sakit na ito. Maaaring dulot ito ng sira sa immune system, sa nutrition o sa pagkakaroon ng viral infection. Maaari ding may kinalaman ito sa mga problema sa pagtulog, anemia, low blood pressure at iba pang metabolic abnormalities.

Nakakaranas ng labis na pagod na hindi bababa sa anim na buwan. Lalo itong lalala kapag napapagod ang pasyente. Kahit itulog ay hindi nawawala ang pagod. Minsan ay nakakaranas din ng sakit sa katawan at sakit ng ulo. Maaari ring makaranas ng problema sa memorya, hindi makapagfocus, nanghihina at madalas mahilo.

Kung nararanasan mo ang mga sintomas na ito ng mahigit sa anim na buwan, maaaring bumisita sa inyong doktor upang matulugan kayo sa pagkakaroon ng chronic fatigue syndrome

You Might Also Like

0 comments

Google+ Followers

Twitter Feed